Nanghihiram ng mukha

24 0 0
                                    

Madaling araw nang magising ako dahil may lakad ako kasama mga kaibigan ko papuntang Batangas.  Naalimpungatan yata ako dahil may nakita akong pumasok sa banyo namin, kaya naghintay muna ako ng ilang minuto.  Nang wala pang lumalabas sa banyo, kinatok ko ang pintuan at laking gulat ko nang makita kong walang tao sa loob.

Binalewala ko ang nangyari dahil nagmamadali ako.  Nawala na sa isipan ko ang nangyari kaya nang umuwi ako hindi ko na inusisa kung may bisita kami o wala.  Dalawang araw na ang nakalipas, muling bumaba ako para gamitin ang banyo, sinabihan ako ng katulong namin na kapapasok pa lang daw ng aking tito.  Tinanong ko kung sinong sa kanila, binangit niya ang pangalan, pero ang alam ko nasa ibang bansa pa uncle ko at sa sabado pa ang dating.  Tinanong ko kung sigurado ba siya at sinabi niyang oo dahil humingi pa nga ng tuwalya at inabutan niya.

Makalipas ng halos kalahating oras ng paghihintay wala pa ring lumalabas sa banyo kaya minabuti kong katukin.  Muli pagkatok ko walang sumasagot, at nang pihitin ko ang hawakan ng pintuan hindi naka-lock kaya binuksan ko.  Walang tao sa loob ng banyo, pero andoon yung tuwalya na sinasabi ng aming katulong.  Natakot ang katulong namin, pero ako hindi ko pa rin iniinda dahil hindi naman ako ginugulo o tinatakot.

Ilang buwan na rin ang lumipas at nawala na rin sa isipan ko ang nangyari.  May grupo kami sa eskwela na mahilig magkantahan, kaya isang gabi nakitulog ang dalawa kong kasamahan sa aking kuwarto.  Malaki ang kuwarto kaya mga kahit 8 tao makitulog, minsan 14 ang natulog sa kuwarto ko kasya silang lahat.  Halos alas-7 na ng umaga ng magising any isa sa aking kaibigan.  Napansin niya na naka-upo ako sa may bintana at wala yung isa naming kasamahan.

Jake: "O asan na si Miguel?  Naliligo na ba?"

Ako: " Oo maagang nagising, at mauuna na daw siyang maliligo, alam mo naman yun gusto palaging nauuna sa lahat".

Jake: "Oo nga.  Pare puede mo ba akong tulungan, alam mo naman na crush ko si Maylene, pero hindi ko maligawan, pag kaharap ko na, natotorpe ako".

Ako:"Sus ikaw naman, babae lang si Maylene ano, isipin mo na parang katulad sa iba nating kaibigan na babae sa tropa, saka ok ka naman."

Jake: "Sigurado ka pare, sige mamaya sa praktis, kakausapin ko siya."

Ako:"Yayain mo manood kayo ng sine, malay mo pumayag, pag pumayag di ligawan mo na agad."

Jake:"Sige gagawin ko yan, siyanga pala ang gaganda pala ng kapitbahay ninyo ano?"

Ako:"Oo seksi pa mga kolehiyala na karamihan".

Sa puntong ito, nagbibiro ng husto si Jake na sana may puwendeng pangbutas ng pader para butasan yung kabilang at nang makasilip kami.

Biglang bumukas ang pintuan, sa pinto nakatayo ako kasama si Miguel.  Nakita ko mukha ni Jake, putlang putla, yung ulo niya bumabaling sa pintuan at sa bintana, ang mukha niya para nakakita ng multo.

Tinanong ko kung ano ang nangyari.  Sinabi niya na paano ko nagawang pumunta sa pintuan nang nasa bintana ako mula ng magising siya.  Sinabi ko na wala ako sa bintana, kasi ako ang unang nagising.  Alas 5 pa lang ng madaling araw nagising ako dahil inutusan ko ang katulong para bumili ng tinapay at magluto ng almusal. Wala pang alas 6 bumaba na rin si Miguel at nagbabad kami sa harap ng tv habang nag-uusap.  Hindi na namin siya ginising dahil alam naming pagod siya buong gabi.  Dito niya kinuwento na kausap niya ako mula ng gumising siya at nagulat siya ng makita niya ako sa may pintuan.  

Dito naalala ko yung gumagala sa bahay namin na nanghihiram ng mukha.  Natawa ako at sinabi ko sa dalawa kong kaibigan na may nanghihiram ng anyo ng mga taong nakatira dito sa bahay namin.  Kinilabutan ang dalawa, at mula noon tuwing may overnight, hindi na sila nakikitulog sa bahay.

Hanggang ngayon, sabi ng kapitbahay namin nakikita nila isa sa amin sa bahay kahit na wala na kami doon.

Nanghihiram ng mukhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon