Start

6 0 0
                                    


Hindi natin inaakala na magkakagusto tayo sa isang tao na ngayon lang natin nakita, Ang sabi nga love at first sight. Totoo kaya yung sinasabing love at first sight na sinasabi at pinaniniwalaan ng na kararami saatin.

Yung feeling na parang may spark at may liwanag na biglang dumaan nung nakita mo siya, yung feeling na parang may kakaiba kang nararamdam at ang bilis bilis ng tibok ng puso mo na akala mo'y ilang kilometro ang tinakbo mo.

Na pag lumapit ka ay bigla kanalang hihimatayin sa sobrang kaba mo. Yung manginginig ang mga tuhod mo dahil sa di mo malamang pakiramdam. Yung hindi ka makahagilap ng salita at feeling mo naubusan ka ng hangin. Yung parang na star struck ka sa idol mong artista na ngayon molang nakita.

Matangkad,Maputi, Matangos na maliit ang ilong at may nunal sa pinaka gitna nito, mapupungay na mga mata na akala mo'y may mga tinatagong lungkot sa suot nitong salamin, mga labing mapula na parang babae, magandang hugis ng mukha. Hindi ganong kalaki ang katawan medyo may pag ka chubby not totally chubby parang normal lang sa isang lalake. Yung sinasabing Simpleng pogi na ang lakas ng dating.

Nagkagusto nga ba ako sa isang lalakeng katulad niya na hindi masasabing perpekto sa iba. Pero sa akin isa na siyang perpekto. Na iinlove ba ako sa taong saglit kolang nakita at nakasama.

Ano kaya ang kahihitnatnan ng dalawang taong minsan ng nagkita pero sa saglit na pagkikita ang kanilang mga puso ay tumibok sa isat-isa. Ito ang kwento ni Star at Lucky.


'Good morning to me, good morning to the world' sabay bukas ko ng kurtina sa aking kwarto upang makapasok ang malamig at sariwang hangin na talagang nalalapit na ang pasko. "Yeahhhh!!!!"- sigaw ko.

I love christmas. Christmas simbolize love and peace, kaya dapat tayo'y nagmamahalan at nag uumapaw saatin ang kapayapaan.

Giving a gift for your special someone is the best during christmas day, but for me, Gift is not important because love is the most important for me.

Hayyy, ang sarap talaga ng simoy ng hangin pag ganitong mag papasko na at sobrang saya ko dahil may one month vacation kami. Pag ganitong malapit na ang pasko tumutulong ako kay mama na mag balot ng mga gift at syempre ng mga cadies para sa mga batang na nganga rolling tuwing gabi. Gustong gusto ko pag may mga batang na ngangarolling sa gabi lalo na pag ang gagaling nilang kumanta at sumayaw, ramdam na ramdam ko talaga ang christmas. Minsan pa nga nakikisali ako sa mga bata hehehe..

Na miss ko tuloy nung bata ako naranasan kodin yung mga ganyan. Sabi nga nila pag daw di mo naranasan manga-rolling hindi ka daw bata, kaya yun na try ko at I'm so glad na may memories ako na ma aari kong ibaon at ikwento sa iba at syempre pag nag ka anak nako.

Sa murang edad ko iniisip kona agad yung mga ganiyan. Hindi naman maiwasan yan lalo na ganitong 18 yrs. Old nako at nasa legal age nako. Pero alam ko naman yung limitation ko at alam konaman yung tama sa mali.

Sabi ni mama at papa, Pwede naman daw ako mag ka Crush kasi paghanga lang naman daw yon. Kaso I never had Crushe's like the other teen. Kung may manliligaw daw ako sabihin konalang sa kanila para alam daw nila. Eh! Di ko nga alam kung may nanliligaw sakin, Sa school sabi ng klassmate ko may gusto daw manligaw sakin at meron pa ngang nagbibigay ng gift, kahit na ayokong tanggapin, tinatanggap konalang kasi nag effort naman sila. Sama-sama lahat ng gift na natatanggap ko sa isang box kasi never kong tingnan. Hindi ko masasabi na manliligaw koyun para kasing trip trip lang nila. At naka pokus ako sa study ko.

Until I met him. Yeah! Nakita kona ang taong para saakin, ang gusto kong manligaw saakin, ang maging first boyfriend ko, ang kukuha ng first hug, first kiss ko, ang taong pakakasalan ko sa harap ng simabahan,ang taong magiging tatay ng mga anak ko at higit sa lahat ang taong makakasama ko buong buhay ko. Siya lang wala ng iba. Sabihan nyo nang "OA" ako, pero siya lang talaga ang forever ko.

It Was Christmas Vacation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon