20

2 0 0
                                    


Kahit araw~araw pa kitang.    
kasama di ako mag sasawa, Dahil ikaw ang nagbibigay saya sa bawat araw ko.

Lumipas ang isang araw, lagi kong nakakasama si lucky, lagi ko siyang ka kwentuhan at talaga naman minu-minuto, oras-oras ay kanya akong napapangite.

Sa lumipas na araw o sabihin nanating sandali lamang dahil three day ko palang siya nakikilala. Pero parang almost yrs. na para saakin. Gusto ko lagi siyang nakakausap at nakakasama.

Masaya siyang kasama hindi ka maboboring dahil may sense of humor siya. Marunong din siyang sumakay sa mga joke ko at higit sa lahat comfortable na akong kasama siya. Sana siya rin.

Isa nanamang panibagong umaga sa napakagandang katulad ko joke. Agad akong bumangon at dumaretso sa cr, nag sipilyo, naligo at syempre nag ayos ng konti. Dati di konaman ginagawa to pero simula ng dumating si lucky gusto ko makita niya akong laging maayos at presentable. Naka suot ako ngayon ng jumber dress na color red at ang nasa loob ay white croptop shirt fitted. Na saktong sakto saakin hindi naman kita ang tiyan ko dahil may harang na jumber. Tinernuhan ko ng white flat shoes. Nang makuntento ako sa sarili ko agad akong bumaba para mag almusal.

Pag dating ko sa kusina nakita kong naka tingin saakin ang kapatid kong makulit ganon din si mama at papa. Umupo na agad ako para umpisahang kumain.

"Good morning"- bati ko sakanila na may mga ngite sa labi. Habang sumusubo ng pagkain.

"Ayos na ayos si ate may pinapagandahan ka ata"- mapang-asar na sabi ng kapatid ko. Di talaga makakaiwas dito lagi nalang nang aasar.

"Masama bang mag ayos"- Sagot ko naman na may kasamang pag-irap.

"Mama, Papa si ate inlababo"- sabi nito na agad na kinapula ng pisnge ko. Tumingin ako kay papa na seryoso habang nakatingin sakin. Si mama naman ay naka ngite.

"Ano yang sinasabi ng kapatid mo Star"- Tanong ni papa na may awtoridad sa kanyang boses. Nakakainis naman kasi tong makulit at mapang asar kong kapatid talagang sinabi pa dito at sa mismong harapan pa ni papa at mama.

Nag isip ako ng sasabihin. "Ah' eh papa- Ha.Ha.Ha"-hindi kona naituloy ang sinasabi ko ng biglang tumawa si papa at kinatingin naming tatlo ako, si Mama at si Moon. Kala ko magagalit si papa pero mukang hindi. Nakakapag taka naman.

"Papa bakit naman po kayo tumatawa"- Tanong ni Moon

"Natutuwa lang ako dahil dalaga na ang prinsesa ko"-naka ngite nitong sagot.

Sumilay sa mga labi ko ang labis na saya. "Ibig sabihin po papa ok! lang na may crush ako at may nagugustuhan"- masayang tanong ko.

"Oo naman anak. Normal lang yan sa ganyang edad mo at nasa tamang edad kana. Pero anak tandaan mo pag nagmahal ka huwag mong ibibigay ang lahat mag tira ka para sasarili mo at alam kong kaya mong ihandle ang sarili mo. Mana ka kaya kay papa"-mahabang litaniya nito.

"Tama ang papa mo anak. Lagi mong iisipin di masamang  magmahal lalo na kung talagang mahal mo ang isang tao. Hindi natin napipigilan ang puso at hindi natin nauutusan ito dahil kusa itong tumitibok sa taong nais nito. "- dugtong naman ni mama. Tuwang tuwa ako at napatayo sa aking upuan para yakapin si papa at mama. Kaya mahal na mahal ko sila dahil lagi silang naka support saakin maging saaming magkapatid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It Was Christmas Vacation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon