Para kay Mahal l

10 1 0
                                    

Mahal, naalala mo pa ba yung una nating pagkikita?
Yung mata ko nun , di ko na mabaling pa sa iba.
Wala eh, ganun talaga. Kasi nga nakakahumaling ka.
Sayo'y tinamaan ako ng sobra.

Alam mo ba, gusto na kitang iuwi nun.
Tapos pinagdasal ko agad na sana maging akin ka agad, dun pa lang sa mga oras na yun.
Mahal pag kasama kita ayoko nang umuwi
Pag kasama kasi kita, pagod ko'y napapawi.

Pangarap kita mahal.
Pangarap ko sayong makasal
Pero sana wag lang maging pangarap iyon?
Kasi gusto ko makasama ka sa habang panahon.

Mahal, mahal na mahal kita
Palagi ko namang sinasabi yan sayo di ba?
Wag mong kakalimutan yan kahit pa sa mundo tayo'y mawala.
Kasi Mahal, mahal na mahal kita hanggang sating pagtanda.

Labing-apat Na Tula Para Kay Mac MacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon