Author's Note

6.7K 108 1
                                    

Koleksyon ito ng iba't ibang Filipino horror stories na kung saan tumatalakay sa mga kababalaghang nagaganap sa Pilipinas.

Ang ibang kwento ay kathang isip lamang. Ang iba nama'y karanasan ng malapit kong kamaganak at kaibigan.

Para sa privacy ng mga taong mababanggit, mga hindi totoong pangalan ang nakasaad sa bawat storya.

Marami na akong nababasa na libro ng lagim at misteryo pero wala pa ring matibay na eksplenasyon sa mga ito. Sa ngayon, ang siyensiya ay may paliwanag na sa paranormal na kaganapan ngunit hindi pa rin balanse ang paniniwala natin.

Dati, malakas ang paninindigan ko na hindi totoo ang mga bagay na nababasa't naririnig ko.

Hanggang sa kumalap ako ng mga impormasyon, storya at karanasan tungkol sa mga bagay na hindi lubos maipaliwanag ng siyensiya.

At masasabi kong, nagbago ang pananaw ko...

Filipino Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon