A/N: This is my entry for Liriko: The Knockout Round (one shot writing contest) under the theme of Oldie Love Story and inspired by the song Not a Bad Thing by JT.
* * *
TATLONG sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa labas ng bahay. May binaril na naman ata ang mga mapang-abusong hapon. Sila na nga ang dayo, sila pa ang may lakas ng loob na manakit. Simula nang makarating sila dito ay walang araw na hindi binalutan ng takot ang bayan ng Gandara. Alas-sais pa lang ng gabi ay sarado na ang mga bintana at wala ng makikitang mga bata na naglalaro sa ilalim ng buwan. Pati mga kababaihan ay natatakot rin dahil kahit nasa loob na sila ng kani-kanilang tahanan ay walang pasubaling kinukuha sila ng mga kawal kapag nakursunadahang gamitin matugunan lang ang tawag ng laman. Mga walang hiya!
Hanggang sa kalaunan ay naging normal na lang sa pandinig ang mga putukan at hiyawan ng mga nasaktan. Kapag may naririnig na nanghihingi ng saklolo na hinalay ng isang kawal ay nagbibingi-bingihan na lang ang mga tao dito sa takot na baka pati sila ay madamay pa. Nakakainis! Gusto kong labanan ang mga walang pusong hapon. Ang paghihiganti sa puso ko ay masidhi ngunit wala akong magawa dahil isa lamang akong babae.
Naramdaman ko na lang na may daliring luminya pataas sa nakakunot kong noo. Plinantsa niya iyon gamit ng kanyang hintuturo, “Nagagalit na naman ang binibining mas marikit pa sa mga bituwin.”
Nilingon ko siya at nagtatakang tiningnan, “Nandito ka pa rin, Epifanio? Umuwi ka na. Paniguradong nag-aalala na ang ama't ina mo.”
Nagkamot siya ng ulo bago ako sinagot, “Anong klase kang kaibigan, Mayumi? Papauwiin mo ako gayung may gumagala-galang mga hapon diyan sa labas? Gusto mo ba ako naman ang isunod nila? Kapag ako nawala, kawawa ka,” at may pagmamayabang niya akong tiningnan.
Kumunot ulit ang noo ko at gaya nga ng nakagawian ay plinantsa na naman niya ang mga linya sa noo ko gamit ang kanyang hintuturo, “Kita mo na. Kapag mawala ako, wala nang gagawa ng ganito sayo. Kawawa ka talaga, binibini.”
Tumawa ako nang malakas sa sinabi niya dahil may halong pagmamayabang iyon, pero natutop ko agad ang bibig ko nang napalingon sa akin si ina, “Paumanhin, ina,” sinserong paghingi ko ng paumanhin at muling bumaling kay Epifanio, “Umalis ka na nga. Kanina mo pa ginugulo ang buhay ko. Ang ingay mo pa. Para bang hindi ka natatakot sa mga kaganapan. Palagi ka pa ring nagpapatawa.” Natatawa kong saad.
“Bakit naman ako matatakot sa kanila? Sila ang dayo kaya sila ang dapat na matakot. Saka kagaya din natin ang mga iyan, nagpapawis din ang mga kilikili niyan at mabaho din ang utot.”
Dahil sa sinabi niyang iyon ay hindi ko na napigilan ang tawa ko. Bumunghalit na ako ng tawa kaya hindi ko naiwasan ang hindi siya hampasin sa braso. Dahil sa ginawa ko ay muli na namang lumingon si ina sa akin at sinaway ako. Yumuko naman ako, ganoon din si Epifanio, para ikubli ang tawa.
“Sinasabi ko sayo mapapagalitan na ako ni ina, Panyong.” bulong ko sa kanya, “Umuwi ka na kasi. Ginugulo mo na talaga buhay ko. Umuwi ka na.” sabi ko na marahang binubunggo ang braso niya para umalis na siya.
“Ano?! Ayaw ko nga, natatakot ako! Hindi mo ba narinig ang putok ng baril kanina? Ay Diyos ko ayaw ko pang mamatay, Mayumi. Hindi pa ako nakakarami ng nobya. Kung gusto mo, ikaw na lang ang umuwi.” aniya at humalukipkip pa.
Lalo akong nahirapan sa pagpipigil ng tawa. Namumula na ang mga pisngi ko dahil sa kanya. Wala talagang pinipiling oras si Panyong. Lagi na lang nagpapatawa. Kaya kapag hindi ko siya nakikita at nakakasama, para bang kulang ang araw ko. Ang lungkot at napakahaba ng oras kapag wala siya.
“Niloloko mo ba ako, Panyong? Bakit ako ang uuwi eh dito ako nakatira?!” natatawang saad ko.
“Ah dito ka ba nakatira? Paumanhin.” natatawa din niyang sagot sa akin. Mukhang walang balak umuwi ang isang 'to.
BINABASA MO ANG
Gandara
Короткий рассказOldies Love Story theme. *** This was my official entry for the first Liriko Writing Contest, Liriko: Knockout Round (2nd Round). This story was ranked 2 in this round under Team Mikel in 2014 . Theme: Oldies Music: Not A Bad Thing by Justin Timber...