Taken Identity

2 0 0
                                    

Prologue

"Ma, kayo na muna ang bahala sa kanila."tumango lang sa akin si Mama.

"Mag-iingat ka doon Gela."pagpapaalala naman niya sa akin.

Pinipigilan ko lang naman na umiyak sapagkat ayaw kong isipin nila na nalulungkot ako. Ayaw kong makita ang pagsusumamo nila na wag na akong umalis.

"Ate...paano na yung Graduation ko. S-sabi mo ikaw yung magsasabit ng medalya ko."

Bahagya akong yumuko at niyakap si Adrian.

"Andyan naman si Mama Ad. Tsaka naituro ko na sayo yung mga dapat mong sabihin diba."pang-aalo ko sa kanya.

Alam ko na hindi ko matutupad ang pangako ko sa kanya na ako ang magsasabit ng medalya niya. Ngunit para naman ito sa kanila. Kaya ako mangingibang bansa ay para matulungan ko si Mama. Gusto ko rin na mabigyan ng magandang kinabukasan si Adrian. Graduating siya ng Senior High sa darating na buwan. Gusto niya na maging Doctor para maalagaan niya daw kame ni Mama. Kaya nagpasya rin ako na ipagpatuloy ang pagtatrabaho sa ibang bansa para na rin makamit ni Adrian ang pangarap niya.

"Alagaan mo si Mama at si Abby. Simula ngayon ikaw muna ang magiging tatay at ate sa kanila."

Tumango naman siya sa akin. Pagkuwan ay niyakap ako ng mahigpit.

"Mag-iingat ka doon Ate. Tatawag ka palagi huh. Tsaka yung eye glasses mo lagi mong isuot para hindi ka mahilo. Yung inhaler mo rin, nadala mo ba?" sunod-sunod na bilin niya.

Napangiti naman ako nang malawak.

Sobrang mami-miss ko sila.

"Calling all the passengers of Flight #1475, we were boarding at exactly 15 minutes from now. Please proceed to the plane immediately."

Narinig ko ang pag-anunsyo para sa flight na sasakyan ko. Niyakap ko ulit si Mama gayundin si Adrian. Hindi na sinama ni Mama si Abby sapagkat iiyak lang yun ng iiyak. Hayyst. Sobrang mami-miss ko ang bulinggit na yun.

"Kailangan ko na pong umalis. Mag-iingat kayo dito. Ma, wag masiyado magpagod huh." Sabay halik ko sa pisngi niya.

"Adrian. Yung mga bilin ko. Wag magpapasaway kay Mama. Tulungan mo siya sa bahay. At si Abby...alagaan mo siya." medyo pumiyok ako ng maalala ko ang maamong mukha ng bunso kong kapatid. Niyakap ko silang dalawa at pagkatapos ay nagpaalam na.

Pagkatalikod ko kay Mama at kay Adrian ay tumulo na ang luha na pinipigilan ko kanina pa. Nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo sa eroplano. Di ko na alintana ang pagpatak ng luha ko. Ramdam ko pa rin ang tingin nina Mama at Adrian. Gustuhin ko mang lumingon ay di ko na ginawa.

Nang makarating sa scanner para sa mga bagahe ay agad kong inilagay ang maleta ko at bagpack. Pagkatapos ay dumeretso na ako sa scanner upang makapasok na ako sa loob ng eroplano.

Napansin ko ang babae sa unahan ko. Balot na balot kase ang suot niya. Meron din siyang red na scarf natatabunan ang kalahati ng mukha niya. Natapos na siyang ma-scan at ako na ang kasunod. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa babae na nanatiling nakatayo sa may gilid at inaantay ang bag niya. Napagawi pa ang tingin niya sa akin ngunit di rin nagtagal. Di ko makita masiyado ang mukha niya dahil bukod sa balot ang kalahati ng mukha niya ay nakasuot rin siya ng malaking sun glasses.

Nang matapos ako ay tumayo din ako sa may gilid at inantay ang aking bagahe. Samantalang ang babae ay kinuha na ang sa kanya at naglakad papasok ng plane. Kinuha ko na rin ang sa akin. Susunod na sana ako sa babae ng may maapakan akong bagay.

Necklace.

Pinulot ko ito at sinuri. Isang gold necklace na may pendant na letter S in gold at may mga kumikinang na diamonds sa gilid.

Agad ko namang sinundan ang babae dahil sigurado ako na sa kanya ito. Pagpasok ko sa loob ng eroplano ay iginala ko ang tingin ko sa paligid. Ngunit hindi ko nakita kung nasaan ang babae. Napansin naman ng isang flight attendant na tila may hinahanap ako.

"Ma'am what's wrong?"nagtatakang tanong niya.

"Ah..miss, kase may nakita ka ba na babae na nakascarf na red tapos naka-sunglasses?"

Luminga-linga naman ang flight attendant. Pero katulad ko ay di rin niya makita ang babae.

"Ma'am baka nasa business class ang hinahanap niyo. Ah ganito na lang po. For the meantime just take your seat and after ng mga ilang paalala about sa safety i'll check the business class."nakangiting sabi ng babae.

"Maraming salamat."pagkasabi ko nun ay naupo na ako. Ang pwesto ko ay sa may window ng plane.

Nang ma-isettle ko na ang mga baggage ko ay naupo na ako. Napatingin naman ako sa kwintas na hawak ko pagkuwan ay nagpasiya ako na isuot muna ito dahil baka maiwala ko pa. Ilang sandali lamang ay may nagdedemo na sa harap para sa mga basic safety measures. Inabala ko ang sarili ko sa pakikinig sa demonstration sa unahan. Natuwa pa ako mapagtantong lalaki pala ang nagdedemo. Ang cute lang tingnan.

Pagkatapos noon ay inianunsyo na ang paglipad ng eroplano. Napatingin naman ako sa bintana at medyo kinabahan ng unti-unti kong naramdaman ang paglipad ng eroplano pero nung nasa itaas na ay natuwa ako sa aking nakita. Tinanaw ko ang papaliit na pigura ng mga building at ng mga tanawin sa baba.

Ganito pala ang feeling ng lumilipad!

Di ko mapigilan ang pagngiti. Nakikini-kinita ko na rin ang reaksyon ni Adrian at Abby kapag naikwento ko sa kanila ito.
Ilang saglit ko pang pinagmasdan ang tanawin sa baba. Di ko rin namalayan na nakatulog ako.
Naalimpungatan ako ng makarinig ng sigawan. Anong nangyayari?

Pagmulat ko ng mata ay bumungad sa akin ang mga tao na nagpapanic. May mga ilan na umiiyak.

"A-ANO PONG NANGYAYARI?" tanong ko sa isang lalaki na nasa may gilid ko at namumutla na rin.

"M-MAY PROBLEMA Y-YATA YUNG ENGINE NG PLANE. S-SABI NG FLIGHT ATTENDANT K-KANINA AY INAAYOS NA. P-PERO N-NAGPAPANIC N-NA ANG MGA P-PASAHERO." sigaw niya sa akin.

Napatingin naman ako sa flight attendant na nagbibigay ng instruction sa mga pasahero.

"Maaari pong kumalma tayong lahat. Ginagawa na po ng lahat ng crew ang kanilang makakaya para masolusyunan ang naging aberya." pagkausap ng flight attendant.

Mas nagkagulo naman ang mga pasahero ng may marinig kaming pagsabog sa may likuran.

"FASTEN YOUR SEATBELTS"sigaw ng flight attendant.

Napahawak naman ako sa gilid at di na rin malaman kung ano ang aking gagawin. Biglang gumewang ang plane. Nagsigawan ang mga pasahero. Mayroon pang mga umiiyak. Habang ako ay taimtim na napapikit at nagdasal.

God. Save Us.

Ngunit yun na ata ang huling salita na naiusal ko. Sunod-sunod na pagsabog ang narinig ko. Hindi ko na rin makita ang paligid dahil sa usok na nagmula sa mga pagsabog. Nagawa ko pang tumayo ngunit dahil sa kapal ng usok na nalanghap ko ay unti-unti akong nanghina kasabay nun ay ang pagbagsak ko.

@zaiper_paloma

Taken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon