CHAPTER 1: THE SEARCH
Sa buhay natin may isang taong nakalaan para satin. Paano mo nga ba malalaman kung nakita mo na sya?
Kung nagkatagpo na ba kayo? Sa dinami rami ng tao sa mundo at nilawak lawak ng universe. Nagtatagpo at nagtatagpo pa din ang dalawang tao kahit libo libo o milyon milyong kilometro pa ang layo at pagitan nyo sa isat isa.
Yung iba natagpuan na yung para sa kanila, yung iba naman patuloy pa rin umaasa at naghihintay na baka isang araw dumating din ang matagal na nilang hinihintay para sa kanila.
Yung iba, sumuko na. Napagod na at hindi na naniwala pa.
Out of 7.5 Billions people in the world. Natagpuan mo na ba ang kapares ng puso mo?
Martina
Ako? maraming beses na ako nasaktan ng dahil sa love na yan...
Bakit pa ba ako magmamahal ulit eh mamatay din naman.
Maraming ulit na ako nagmahal, umasa at nasaktan. Paulit ulit nagmahal sa maling tao.
Ang tanga ko ba? Alam ko namang pinapaikot lang ako kilig na kilig naman ako.
Oo siguro nga tanga ako. Kasi hanggang ngaun kumakapit pa din ako sa pag asa na baka...
Baka isang araw dumating na sa buhay ko ang lalaking para sakin.
Yung lalaking makakasama ko habang buhay.
Pero kelan pa?.
Mawawalan na sana ako ng pag-asa pero isang araw naisipan ko gumawa ulit ng bago kong FB account.
Kung saan nung una,.. Balak ko mag lagay ng ibang picture.
Gumamit ng picture ng ibang tao para gawin kong DP (DISPLAY PHOTO/PROFILE PICTURE)
but then I realize to put my own picture and then in an instant...
Ang dami ko agad friend request..I also looked for someone na pwede ko i add..
Search dito.. Search doon.
Until may isang taong nakapukaw ng atensyon ko..
Nung una ko syang makita binihag nya agad ang aking mga mata, at para bang may bumubulong sakin na pindutin ko ang "ADD FRIEND" button.
What I did was.. I clicked on his profile and I stalk him. O diba naging stalker na ako.
I was browsing his profile now.
Jordan Giovani Lao, that's his name.. Yeah parang may kung anong magnet na humihila sakin sa bawat scroll up and down ko sa fb profile nya.
I found out may Girlfriend na sya. Inistalk ko nga diba. Pero kakaiba eh. Parang may kung ano sa loob ko na gusto sya I add..
I want to be friends with him yun lang. Para kasing ang lungkot nya, parang kaylangan nya ng taong masasandalan pag malungkot sya, pag may problem sya.
So I decided to add him. I waited.
Waited hanggang mag online sya at iconfirm ang friend request ko.Pero mukhang asa lang ata ako, famous yun eh. Pano ko nasabi na famous sya? Ang dami nya kasi lagi likes sa post at mga pictures nya..
So I decided to log out na lang muna.
****hours later****
60 friend request
18 messages
29 notificationsIlang oras lang ako nawala ganyan na agad kadami. Ano kaya ang uunahin ko buksan.
Notification na nga lang.
Jordan Giovani Lao accepted your friend request.
You and Jordan Giovani Lao are now connected.
Jordan Giovani Lao Wave at you.
Jordan Giovani Lao likes your post
Jordan Giovani Lao reacted on your profile picture.
Hala seriously? Bakit ganun? hay naku Martina wag ka mag assume. Hindi lahat ng maglalike, mag rereact, mag wawave sayo ay gusto ka. Yung iba sadyang Gusto lang i like yung post at picture mo.
Haha baliw na naman ako kinakausap ko sarili ko.
Hmmm what will I do? as simple as WAVE BACK NA NGA LANG..
Wala naman mawawala eh. Kaya open messages..
Wave back. Hmmmm hindi naman sya naka online eh. Message ko na lang nga din
.Hi.. Thanks sa pag confirm ng friend request ko :)
Click send. Okay na yan siguro. Sabay Log out.
Nakakahiya eh. Baka kasi isipin nya feeling close ako.
YOU ARE READING
See You Again
RomanceAre you willing to take a risk to tell how much you love him or her, are you brave enough to tell and show your Love for Him? Handa ka ba magmukhang Tanga o magpakatanga para sa taong Mahal mo? Paano kung mahuli na ang lahat at hindi mo pa nasasabi...