Pagkakamali

83 0 0
                                    

        Umuwi akong pagod na pagod at dugyot mula sa eskwelahan. Amoy pawis. Maasim asim na parang calamansing isinama sa sukang puti. (Wag kang mandiri. Naranasan mo na ring maging taong calamansi.) Medyo malagkit din ang balat ko na para bang pawis ang ginawa kong panligo. Pag-akyat ko sa ikalawang palapag ng bahay namin, humiga ako sa kama. Nag-isip isip. Nang biglang nagsalita ang mama ko.

"Atin kung seling liquid soap keta. Makaputi ya. Whitening ana king tatak."

Di ako kumibo. Napaisip ako kung tatalab pa ba sa balat ko yung sabon na binili ng nanay ko. Sa balat kong 'to, wala na yatang iba pang solusyon para pumuti ako. 

Nasabik akong subukan ang naturang sabon. Parang gusto ko ng maligo.

Papasok na dapat ako sa CR nang napagtanto kong naliligo na pala ang nanay ko.

Babalik dapat ako sa aking silid nang sumigaw ang nanay ko. 

"Oh Petra, ot eya bubula ing sabun a seli ku? Expired ne ata?"

Lumabas siya at iniabot ang bote ng sabon. 

Tinignan ko at binasa ang tatak.

"Snowman Whitening Lotion"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PagkakamaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon