Pangit ba ako? Oo
kaya nga sinabihan ako ng Nanay ko na "Bakit ka naman hindi makakahanap ng Trabaho? Bakit sa Kagandahan ba tinitignan kapag nagtatrabaho ka..di naman,Nasa katalinuhan yan at yan ang palagi mong Tatandaan." alam kong sinasabi niya lang yan para hindi ako palaging nasa Bahay dahil nabubwesit lang siya sa mukha ko.
"Matalino ba ako Nay..para makahanap ako ng Trabaho?" tanong ko sa kanya.
"Patingin nga nung mga Marka mo ulit nakalimutan ko kasi..Nasa kwarto kunin mo dali" Utos niya sakin kaya tumakbo naman ako papuntang kwarto para kunin yun..at madali ko lang naman yung nakuha kaya bumalik ako ulit sa inupuan namin ni Nanay kanina.
"Ito nay oh" abot ko sa kanya sa Marka ko
"Oh tignan mo anak oh ang Talino mo nga..Tingnan mo itong filipino Subject mo 76 oh diba kaya ako Proud sayo eh." proud pa na sabi niya na may pa batok-batok pang nalalaman.
"Eh..Nay 80 yung hinihingi'ng marka samin ng guro namin..Hehe" sabi ko sa kanya sabay kamot sa ulo ko..
"Haayy..nako anak alam mo bang noong ako yung nag-aaral 69 lang nakuha kong marka kaya magpasalamat ka nalang sa guro mo at 76 yung binigay niya'ng marka sayo..At alam mo bang 75 na lang ang hinihingi ng Gobyerno na marka ngayon anak kaya dapat lang na Proud ako sayo" masayang sabi niya pa na may payakap-yakap pang nalalaman sa'kin.
"Anong nakaka Proud dun Nay eh..yung mga kaklase ko nga lahat 90's yung mga grade nila at ako lang yung pinakamababa." saad ko sa kanya
"Alam mo ba anak na baligtad na ang utak ngayon ng gobyerno at Binalita pa nga kanina sa Radyo na yung mga nakakuha daw ng 76 siya ang pinakamahabang grado sa klase." nakangiting sabi niya pa.
"Ano ba yan Nay? baka naman nagugutom ka lang at kapag tapos ka nang kumain saesermunan mo nanaman ako dahil sa nakuha kong marka." ganito naman siya palagi eh manenermon kapag maliit lang yung makuha kong marka.
"Buti pa nga pakainin mo na ako kanina pa ako gutom na gutom eh..at kanina pa kita hinihintay na lumabas ka diyan sa kwarto mo..ano bang ginagawa mo sa kwarto mo at ngayon mo lang naisipan lumabas ha?at bakit ang pula-pula nang mata mo? wag mong sabihing nag-aadik ka dun sa loob?" ohh ito nanaman sesermunan na naman ako nito.
"Nagwa-Wattpad lang naman ako Nay..at alam mo bang ang bwesit ng Author dun sa binabasa kong Story at pinatay niya yung asawa ko tignan mo ngayon Single ulit tuloy ako" at inaalala ko nanaman yung binasa ko kanina na pinatay ng Author yung asawa ko..
"Alam mo anak..ako nga rin eh yung banasa kong Story kanina may Jowa na yung asawa ko." sabi niya pa habang pinunasan yung luhang tumutulo galing sa mata niya..ang Oa talaga nitong Nanay ko at kailan pa to naging Wattpaer?
"Nay..kailan ka pa naging Wattpader?' tanong ko sa kanya.
"Simula nung namatay yung tatay mo sabi mo kasi kapag magbabasa tayo dun magkakaroon tayo ng asawa at totoo nga nagkaroon ulit ako ng asawa pero bakit? Bakit may Jowa na siya?Huhuhuhuh bakit niya ako iniwan ng ganito? Iniwan niya akong mag-isa..iniwan niya ako sa ere ng mag-isa huhuhuh angUnfair niya..di niya inalala yung nararamdaman ko ngayon." Umiiyak pa na sabi niya at may payakap-yakap pang nalalaman..bwesit..
"Nay alam mo bang napaka Assusa mo?at ang Assuming mo pa?' tanong ko sa kanya at bigla naman niya akong binatukan.
"Bakit ako lang ba? tayo namang dalaawa ahh..at alam mo ba anak na totoo daw yung Wattpad World..at alam mo bang nag-iipon talaga ako ng pera para makapunta ako dun at makita ko na talaga yung asawa ko?" masayang sabi niya pa sakin
"Baka naman Nay papuntang Impyerno yang sinasabi mong Wattpad world na yan."sabi ko pa sa kanya.
"Bakit ayaw mong sumama? pupunta na lang ako dun mag-isa." at pumunta na siya dun sa kusina at kumain .
"Alam mo bang buntis ako nay."seryosong sabi ko sa kanya at muntik na siyang mabulunan dahil sa sinabi ko at buti na lang hindi natuloy
"Huw--WHAT?" nanlaking matang tanong niya pa sakin kaya bigla naman akong natawa sa naging reaction niya.
"Chill Nay..Yung isa kasing fictional Character pinipilit akong gumawa daw kami ng baby kaya wala na akong Choice nay kundi ang pumayag..at feeling ko nga siya yung pumatay sa Asawa ko." malungkot na sabi ko sa kanya at lumapit naman siya saking at niyakap ako.
"Okay lang yan anak..bahala na kung mabuntis ka basta fictional character lang yung ama"
BINABASA MO ANG
A Wattpader's Story
General FictionSabi ni 'Sic Santos' a.k.a 'Owwsic' sa ginawa niyang Story mahirap daw makahanap ng Trabaho kapag pangit ka. Sabi naman ng Nanay ko "Bakit ka naman hindi makakahanap ng Trabaho? Bakit sa Kagandahan ba tinitignan kapag nagtatrabaho ka di naman,Nasa k...