Debate for Love. [ONE SHOT]

171 4 2
                                    

“Oh my god! Papalapit na siya dito!”

“Ang gwapo gwapo talaga ni Christian!”

“Papable talaga! Grabe, sana pansinin naman niya ako!”

Ano ba naman yan, ang aga-aga. Yan kaagad naririnig ko. Ang iingay talaga ng mga schoolmates ko!

Nagkatinginan lang kami ni Dada at ni Garlyn. Alam ko na tumaktakbo sa mga isipan nila. Kasi, ganun rin naman yung tumatakbo sa isip ko.

CHRISTIAN NA NAMAN?!

Umupo kami sa may bench malapit sa field. Dito kasi kami usually kumakain kapag lunch. Hindi lang dahil mahangin kaya kami kumakain dito.

May free glimpse kasi ako kay Christian.

Oo, isa ako sa mga babaeng may gusto kay Christian. Pero hindi ako yung tipo ng babae na magsisigaw na ‘Andyan na si Christian my love!’ o kaya ‘Gusto ko ng magpakamatay kasi nakatitig sakin si Christian!’

Matino naman ako ‘no! Hindi ako gumagawa ng eksena. Tahimik lang ako nagkakagusto kay Christian.

Christian Kevin McCarter. 4th Year-A. Student Council President. Debate Society Team Leader. Basketball Player MVP. Future Valedictorian. Gwapo. Mayaman. Mysterious. Walang girlfriend.

Pero hindi naman ako umaasa na magugustuhan niya ako ‘no! Paano ba naman kasi.

Reah Jose. 4th Year-B. Debate Society member. Mataba ang pisngi. May-kaya. Walang boyfriend.

Hindi kami compatible ng taong gusto ko! Huhuhu. I mean, okay. Parehas kaming singel, parehas kaming graduating, pero hello?!

Ang labo talaga!

“Lutang ka na naman.”

“Malamang! Iniisip niya na naman si Christian.”

Tinignan ko yung dalawang bestfriend ko at sinamaan pa ng tingin. “Grabe, napakahelpful niyo talaga! Note the sarcasm.” Tinawanan lang nila ako at tinapik sa balikat.

“Kasi naman Reah! 4 years mo ng gusto si Christian! Pero ano? Ni hindi nga niya alam na may gusto ka sa kanya.” Sabi ni Dada habang kinukutkot yung daliri niya.

“Eh pano ba naman kasi, nahihiya! Aamin lang naman eh. Tignan mo ako? Umamin ako sa taong gusto ko. Nagkatuluyan kami.” Sabi ni Garlyn na may halong kilig pa.

“Feeling ko kasi, mapapahiya ako. Alam niyo yun? Ang mysterious niya kasi! Feeling ko ang sasabihin niya sakin kapag umamin na ako. ‘Sino ka?’. Ayoko masaktan ‘no!”

“Gaga! Malamang! Anong ineexpect mo? Sasabihin niya sayo, ‘Gusto rin kita!’ tapos yayakapin ka niya?” sabi ni Dada.

“Hindi naman sa ganun. Pero--“

“Wala ng pero-pero! Umamin ka sa kanya bago tayo umalis sa eskwelahang ‘to! Ang tagal mo ng tinago yan. Ilabas mo na feelings mo sa kanya!” sabi ni Garlyn.

Aamin ba ako? Bahala na.

“Oo na.” sumigaw sila pareho at nag-apir. “Pero hindi pa ngayon ah! Malay niyo, magbago pa feelings ko. Eh di hindi na ako aamin!” sabay ngiti ko.

Poker face lang sila pareho. Hindi sila naniniwala sakin na baka mawala pa yung feelings ko kay Christian. Well, hindi ko naman sila masisisi.

Kasi ako, gusto ko talaga siya! Huhuhu.

Debate for Love. [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon