"Kulang pa! Bakit ito lang ang dala mo, ha!?" Muntik na akong mabingi sa sigaw niya sa akin. Ano bang magagawa ko, e boss ko sya. Wala akong lakas para labanan sya.

"I'm sorry Mrs. V Yan lang po ang nakuha ko e, ako lang po kasing mag-isa. Mahirap na baka abutan pa." Sagot ko sa kanya.

'Kung makapag reklamo ka, kala mo napaka ganda. Saksakin ko na kaya to sa likod?'

Sabi ng isip ko.

"May next project ka, Rocky. Dahil malinis kang mag trabaho. Sa next meeting natin ibibigay ko sayo mga gamit mo. See you on Wednesday 10 am."

Magaling. Pera nanaman. Pero teka, may nakakalimutan yata tong si Violeta.

"May nakakalimutan ho yata ko Mrs. V, yung parte ko ho."

Ang tanging sagot nya lamang ay isang malakas na halakhak.

Holy shit.

Mapapamura ka nalang talaga sa tawa 'nyang parang wala ng bukas.

"So fast, daughter." Sinundan ito ng mahinang hagikhik.

'Di mo ako anak. Nakakasuka.

Mukhang may binabalak sya. Ano nanaman kayang kagaguhan to?

"Makukuha mo lamang ang iyong parte kung papayag ka sa aking next project...

Itumba mo si Mr. Vergara ng Ho Xi Chang Company."

Nanlamig ako.

"Hindi maari yan Mrs. V, mahirap na trabaho yan."

Mamamatay ako ng maaga dyan sa trabahong yan eh! Pero--

"Hindi ba't may sakit ang nanay mo? 'Wag kang mag alala, pag nagawa mo yan ng maayos bibigyan kita ng triple"

Yayaman na ako. Maipapagamot ko na si nanay. Maipagpapatuloy ko na pagpapaaral sa kapatid ko. Ma--

"At mababayaran mo na ang utang ng pamilya nyo."

Tama. Lubog kami sa utang. Yan ang dahilan kung bakit napasok ako sa trabaho na ito.

"Kailan ako mag sisimula?"

Humalakhak nanaman siya.

Pota. Nakakakilabot sya.

"Ipapaliwanag ko sayo sa susunod na pagkikita natin. Magliwaliw kana muna ngayon."

Hinagis nya sa akin ang isang itim na bag.

"Dami naman nito Mrs V, ito na ba ang parte ko?"

"Hindi daughter, natuwa lang ako sayo dahil desido ka. Maaasahan ka talaga. So, you deserve that. Regalo ko na yan. Mag liwaliw ka. Nakapag padala na ako sa nanay mo ng gamot. See you, Rocky."

Ngumiti sya. Di naman pala sya ganun kasama.

"Salamat Mrs. V, sobra sobra po yata ito."

"Really? Hahah my dear. Kulang pa yan. Dahil buwis buhay ang next project mo. Anyway, may ipapakilala ako sayo soon. Sa proyekto mo, hindi ka na mag iisa."

At tuluyan na syang umalis sakay ng kanyang puting kotse.

Binuksan ko ang fb ko, bisita sa messages.

Wow, dami nag chat sakin a. Puro group chat.

As if naman na may mag chat sakin no. Ganda ko? Ganda ko?

Wait. May isang nag message. Si Mrs. V lang pala, namiss agad ako.

"Move now. Punta ka na sa safe house mo. Ito ang address ng bagong bahay mo. 7832 buena vista st.

(Staaaap muna here hehe)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ImmortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon