Naisip mo na bang mag reminisce?Yung about sa mga nangyari sa past mo?
I mean, yung mga good memories that you'll never forget?
Yung memories mo with friends.
Yung mga lessons na natutunan mo at naging dahilan ng pagiging vulnerable and strong mo at the same time?
Yung mga panahong isip-bata ka pa?
Yung wala ka pa masiyadong iniisip kung hindi ang magkaroon ng laruan o di kaya magkaroon ng kalaro?
Yung mga childhood friends mo?
Mga memories mo nung teenager ka palang.
Yung naging puppy love mo?
Yung mga crushes mo?
Yung wala ka pang pakialam noon kung ano talaga ang pangarap mo sa future?
Yung taong minahal mo?
Naisip mo ba ang lahat ng 'yon?
Ako kasi, oo..
Madalas akong magreminisce.
Ang dami kong binabalikan. Lahat ng good memories and also the bad ones.
At sa bawat araw na may naaalala at inaalala ako. Sa bawat araw na may namimiss ako.
Palaging may tanong sa isip ko.
Mayroon ba akong pinagsisisihan na hindi ko nagawa?
O nagsisisi ba ako sa naging takbo ng buhay ko dati?
Kung noon, wala pa akong maisagot sa tanong na iyon.
Mayroon na ngayon.
Nagsisisi akong hindi ako masiyadong nakinig sa lectures ng mga teachers at professors ko noong nag-aaral palang ako.
Nagsisisi akong hindi ko inisip mabuti kung ano ba talaga ang gusto ko in the future.
Nagsisisi ako na maaga akong namulat pagdating sa love.
Nagsisisi ako na hindi ko man lang na-enjoy masiyado ang childhood ko dahil sa love na 'yan.
Nagsisisi akong ang dami kong crushes kasi pagnakita ko lang silang may kasama, feeling broken hearted na agad ako.
At nagsisisi akong minahal ko siya. Nagsisisi akong nasira ang tiwala ko at paniniwala ko sa love.
Marami akong pinagsisisihan na alam kong hindi na maibabalik pa.
Hindi na maaayos pa.
Kasi dati na yun, eh. Tapos na.