"Huhuhuhuh *nom* huhu *nom nom* huhuhu" Yan ako na umiiyak habang kumakain ng chocolates.
"Sis, tahan na!" Julia.
"Oo nga, bunso. Sige ka iiyak din kami." Yen.
"Bakit kasi *sniff* kailangan *sniff sniff* niya pa gawin yun?!"
"Alam mo, lahat ng nangyayari ay may dahilan." Kiray.
"Masakit kasi eh. Masakit!"
"Sige, ilabas mo lang, sis. Andito lang kami. Di ka namin iiwan." then, I bursted out crying. Sa loob looban ko, sinasabi ko "Buti pa kayo, di ako iiwan. Eh siya, iniwan na niya nga ako, niloko pa." Ganito kasi nangyari:
~FLASHBACK~
"Kath, kailan mo ba ako sasagutin?" Yan si DJ. Halos tatlong buwan na rin yan nanliligaw sakin. Pati nga sila mama tanong na ng tanong kung may balak pa ba akong sagutin siya, at kung wala daw, wag ko na raw pahirapan pa. Ang sinasagot ko lang: "Gusto kong mapatunayan na mahal niya talaga ako."
"Kath, kung mahal mo talaga ako, hindi mo ako mamadaliin."
"Eh kasi naman, ang tagal-tagal ko nang nanliligaw sayo. Baka naman ayaw mo lang sakin at nahihiya ka lang bastedin ako?" malungkot niyang sabi.
"Kilala mo naman ako diba? Sinabi ko na sayo dati pa na may pag-asa ka."
"Pero nauubusan na ako ng pag-asa, Kath!" halos pasigaw niyang sabi. Nagulat ako.
"Kath, sorry! Di ko sinasadya!" sabi niya na halatang alalang-alala.
"Oo. Sige na, umuwi ka na." sabi ko pero masama parin ang loob ko.
"Maaga pa ah?"
"So?" pagsusungit ko.
"Bati na tayooo? Please?" sus. Nag-puppy eyes pa. Paawa. Pero ankyuut! *u* napangiti tuloy ako...
"Uy, ngumiti siya! Nakita ko yun! Bati na tayo ah!" haaaay....ewan ko ba kung bakit di ko siya matiis...
"Sige na nga! Ikaw kasi...inaaway mo ko!"
"Bati na nga tayo diba?"
"Oo na, oo na. Sige na, uwi ka na."
"Sabihin mo muna kung kelan mo ako sasagutin." natigilan ako dun ah.
"Basta. Malapit na."
"Malapit na.......aha! Sa birthday mo?" medyo napangiti ako pero di ko pinahalata.
"Basta. Sige na. Chupi!" nakita kong sumimangot siya.
"Tinataboy mo na pala ako ah!"
"Uy, joke lang!" ganyan kami madalas. Asaran tapos suyuan. Hahaha.
"Hindi. Wala nang bawian." nagkatitigan kami ng matagal. Tapos...
"HAHAHAHAHAHAHAHA!" para lang kaming baliw. Matapos nun, napauwi ko na rin si Gino. Maya-maya, lumabas ako kasi inutusan ako bumii ng something. Pauwi na ako nang may narinig akong mga gangster nagbanggit ng pangalan ko.
"Ano pare, kayo na ba ni Kathryn?" gangster 1. Sino naman to? At bakit niya ako kilala?
"Hindi pa, pero malapit na niya daw ako sagutin." teka, boses yun ni DJ ah! Anong ginagawa nun dito? Sabi ko sakanya umuwi na siya agad ah! At bakit may kasama siyang mga gangster?!
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories
Teen FictionA collection of quick, short stories that randomly pop up in my mind.