Pang ilang ulit na ba??
Palagi nalang akong nagpapakumbaba,
Hindi ko alam kung sadyang manhid ka lang o nagaastang walang pakiramdam
Buti nalang hindi ako nagdaramdamPansinin mo naman ako
Hindi yung para akong hangin na daraan sa harapan mo ,
Tao ako na may limitasyon din
Kaya naman wag mong sagadinNapapagod din ako
Hindi lang halata pero totoo
Masakit mang isipin na wala lang ako para sayo
Pero sana naman pahalagahan mokoAlam ko kung ano lang tayo
Pero pansinin mo naman ako kahit papaano,
Ang bigat sa dibdib
Para akong naliligaw sa gubat na liblibHindi ako makahinga
Hindi ko kayang mapag isa,
Kahit sabihin na nating hindi naman kita na kasama
Pansinin mo naman ako kahit magtama lang ang ating mga mata
YOU ARE READING
My Poems
PuisiGusto ko lang talagang itula lahat ng nasa isip ko at ang mga naoobserbahan ko sa pang araw araw na buhay ko dahil ayaw kong makalimutan yun