KUNG AKO'Y ISANG TULA

1.2K 67 75
                                    

Kung ako ay tula, ako ay malaya

walang saktong bilang at wala ring tugma

Kung ako ay tula, ako'y isang paksa

Na may dalang aral at hatid na tuwa

Kung ako ay tula, ako'y di mahaba

Ngunit bawat saknong ay matalinhaga

Kung ako ay tula, ako ay may diwa

At bawat taludtod, may rikit at bisa.

Kung ako ay tula, Ang Diyos ang makata...

At sana ay ikaw ang maging tagahanga.. 

____________________~~*~~____________________

Salamat sa panahong iniukol mo sa aking pahina - ito ang nagbibigay dahilan sa akin upang patuloy na sumulat at magbahagi. Sana'y mabasa mo rin ang iba ko pang mga tula at kwento at makalikha ako ng ngiti/luha sa 'yong mukha. Lubos kong ikaliligaya kung makapag-iiwan ka ng iyong rekomendasyon, puna o anumang reaksyon patungkol sa aking akda.

Nagmamahal,

Sami Bathan de Ramos

KUNG AKO'Y ISANG TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon