Liwanag

214 3 0
                                    

Binuka ko ang aking mata,buka-pikit,buka-pikit,paulit-ulit,hindi ko alam ! hindi ko alam!hindi ko alam kung nasaan ako tila ba naliligaw ako ,madilim,madilim ang paligid ngunit sa kabuoan ng dilim nakakita ako ng liwanag ,liwanag na nagmumula sa mga taong na kahit anong mangyari ay hindi ako iiwan at pababayaan ,ang aking pamilya.

Isinilang ako na walang alam kundi ang umiyak.Sa unang pag-iyak ko ay nandyan lagi ang aking pamilya na ginagawa ang lahat upang akoy maging masaya ulit ,si inay ang laging umaalalay kaya akoy laging nasa mabuti.Lumaki ako at nagkaisip,natutong magbarkada,magmahal,uminom,at magsigarilyo kaya naman hindi ko namalayan na nagiging patapon na ang aking buhay,pati ang aking mahal sa buhay ay di na ako maintindihan,kaya minsan naririnig ko ang iyak mula sa aking ina.Nagalit ako sa aking sarili ,bakit ko nagawang saktan ang nag-iisang pamilya na simula umpisa andyan na,binalak kung magbago ngunit sa bandang huli nabibigo ako ,hindi ko kaya!hindi ko alam!ang hirap bitawan ng mga gawaing nakasanayan ko na ngunit iniisip ko ang bawat iyak ng aking ina.Nalilito ako ,nagagalit ako sa aking sarili ,gusto ko ng taposin ang aking buhay.Binalak kung magpakamatay upang makawala sa dilim na kinaruruonan ko ngunit hindi iyon na tuloy dahil may mga liwanag na unti-unting nagpailaw sa madilim kong buhay kaya naman akoy nakaramdam ng kunting kasiyahan dahil pagkatapos ng lahat ng nangyari ay hindi nila ako iniwan na sa dakong huli may pamilya akong makakaramay,na unang lalapit at aalalay sa akin upang baguhin ang aking buhay ,upang makaroon ng matagumpay na kinabukasan na bunga sa walang katulad ng pagmamahal ng aking pamilya.

Liwanag (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon