Nagising ako ng 6:30 ngayon at nagbabasa na lang na bleach manga.
Ngayon ay nanonood kami ng Hulk 1 na may kasamang Kettle Korn ang sarap kaya ng Kettle Korn.
Ngayon ay Pumunta si mommy sa bahay at naghatid ng Milo at Nido.
Mamaya-maya nagpatimpla ako ng Milo tapos ng uminom ako ng Milo ang sarap kasi tagal ko ng hindi nakaiinom tapos biglang sumakit chan ko sakit sabi ko "ARAY!!!!" at maya-maya nawala na.
Pagkalipas ng 2 oras....
Naghahamunan na kami ni Carlos sa Mortal Kombat sa PSP
Sabi ko "hoy! laban na ng Mortal Kombat, Baka manalo"
Sabi ni Carlos "Ikaw nga yang Duwag ehh"
Sabi ko "Laban na para magkaalaman na"
Sabi niya "Sige Talo ka lang ehh"
Lumipas ang 1 oras....
Panalo ako kasi masmarami akong panalo tapos
Sabi ko "Ayaw ko na pagod na ako"
Sabi niya "Hinde Talo kalang ehh"
maya-maya natigil din ang paglalaro, nagpahinga at kumain nalang ng Chow-Fan galing sa Chow King.
Ngayon ay manonood kami ng balita pero NO SIGNAL ang nakalagay.
Tinry na namin ang lahat at nung tinignan ni mommy ang likod ng cable nakatagal yung cord kaya no signal.
Nakapanood din kami ng balita
Sabi ni Mommy "Baka Meron kayong pasok"
Sabi naman ni Charles"hindi mommy sabi sa twitter wala"
Sabi sa Balita may bagong bagyo na tinatawag na bagyong Glenda.
Akala ko Si Brenda sa Scary Movie at naaalala ko ang mga ginawa niya sa Scary Movie 4 kaya natawa ako.
Bigla kong nalaman antenna lang pala iyon kala ko ayos na yung cable.
TO BE CONTINUED........
PS:Sana Ligtas ang mga masasalanta ng Bagyo
PSS:Yehey Suspended na naman bukas!!

BINABASA MO ANG
Si Christopher Bilang Grade 6 Student
AdventureAko si Christopher grade six student nagaaral ako sa prabeyt school kaya mabait ako. Tawagin niyo nalang akong Christopher komplikado ang buhay ko school laging late at napapagalitan kaya lagi akong may jacket at panyo upang hindi makita ang katawan...