Chapter 1

101 8 0
                                    

*Let's Begin*

__________________________________

June, 4. 2018

[Zhai's POV]

"Huhh? Nasaan ako???" habang lumilingon sa kaliwa at kanan, habang inaalam ko pa kung nasaan ako linibot ko ang Lugar.

Isang napakagandang hardin na punong puno ng mga bulaklak kung saan mala-palasyo ang lawak at sobrang maliwanag dito, to the point na halos wala kang ma-a-aninag sa malayo.

Bigla ako'ng may narinig na isang taong tumatawa at hinahanap ko kung saan nanggagaling, At tsaka ko nalang napansin na may nakataling maliit na Red String sa kamay ko, sinubukan kong sundan at pumunta sa dulo nito, habang sinusundan ko ang string papalakas ng papalakas ang boses ng tumatawa at pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko at biglang--

"---KRRIIIIINNNGGGGG KRIIINNNNNGGG"

Bigla akong nagising sa sobrang lakas ng Alarm Clock ko at agad kong pinatay, napansin kong medyo pawis ako, "Ano kaya yung ibig sabihin ng panaginip na yon?" pero-

"--LATTEEEE NA AKOOO"

"Shit, First day na first day ng klase late ako!!"

Bumangon agad ako, at mala-flash ang bilis sa pag-liligo, pag-aayos, at sa pag-bibihis, bumaba ako sa hagdan at nakita ko si Papa na hinahanda ang baon ko.

"Pa, Bat di mo'ko ginising!? nakabusangot kong sinabi sakanya.

"Inutusan ko yung kapatid mo kaninang umaga para gisingin ka, pero di ka daw magising kaya hindi ka na ginising ng kapatid mo." "humanda sa'akin ang Zero na yan."

"Pero Pa! dapat ginising nyo parin ako" with Pout face again.

"Tumigil ka! batang 'to."

Kumuha ng tinapay at agad dumiretso sa pinto, may bigla akong na-alala, kaya napahinto ako, at umatrass papunta kay Papa.

"Akala ko nakalimutan mo akong I-Kiss bago ka umalis" Sabi ni Papa kaya ngumuso siya sa'akin.

"Hindi yun Pa! Yung Baon ko" Habang nakangising kong sinabi.

"Aba't" sabay pitik sa noo ko.

"Pa, ang gwapo natin ngayon ahh" with matching angelic face.

"Alam ko na yan anak matagal na, Pero di mo ako maiisahan." "Aww"

Inabot nya yung tuma-taginting na 200 Pesos, sabay halik at takbo papalabas ng bahay.

"Uwi ka ng maaga"

"Opooo" "kahit ganyan ako sa Papa ko mahal na mahal ko yan! as you can see simple lang ang pamumuhay namin, my Father is working as a Private Doctor, 35 years old at pambata parin ang kutis kung titignan parang around 20's pa siya, syempre Gwapo, lahi-lahi lang yan, sinusuportahan naman ako ni Papa kung saan ako masaya like sa pagpu-push nya sa'kin sa pagkakanta at pagpa-painting, I'm thankful kase Papa ko sya Hehehe"

"Anyway, Im Zhai Morgen in short (Zhai) or (Zaza) ewan ko ba saan nanggaling yung Zaza. 13 years old, charot! 19 years old. Singer, Painter but, I prefer to paint para sa sarili ko lang. Sabi ni Papa maganda ako kaya paninindigan ko na syempre, Friendly minsan, pero hindi umaabot sa point na nagmumukha akong malandi. First year College, Studying at Division of Arts in Stardust University. Simple lang ang pangarap ko, ang maging isang kilalang singer at painter at the same time, I don't know why but after my grandfather died, ako na ang sumunod sa yapak nya (hindi sa puntod, sa pagiging painter),
kapag nagpapaint si Lolo pinapanood ko lang sya lagi and i love the way he paint, every master piece nya so meaningful, kaya si Lolo ang inspirasyon ko sa pagpapaint.Wait--"

Lined With You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon