Sign 1

5 0 0
                                    

Isang araw na naman ang malapit nang matapos pero para saakin, nangangalahati palang ako. Nangangalahati palang ang araw ko pero yung pagod ko, pang isang buong taon na ng school year. Alam kong hindi lang ako ang nakakarelate sa mga ganitong sitwasyon, kayo rin. Aminin!

Abala ang mga estudyante sa pagliligpit ng kanilang gamit dahil sabik na silang magsiuwian. Karamihan sakanila, gagawa ng school works. Kailangang umuwi ng maaga dahil tambak na ang gawain nila na pinagagawa sakanila ng teacher nila. May iba namang excited umuwi kasi makagagala na sila kasama ang mga kaibigan. May iba naman gigimik lang at ang iba naman ay gusto na talagang makapagpahinga dahil sa nakakapagod nilang araw. Sinong hindi excited umuwi?

Ako, gusto ko nang umuwi pero hindi pa pwede kasi marami pa akong dapat tapusin dito sa school. At okay lang naman sakin dahil makikita ko na naman siya. Siya! Ang ultimate crush ko since 1st year high school.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng faculty ng mga teacher. Marami paring estudyanteng nakatambay sa palibot ng school kasama ang mga kaibigan nila. Pero natigil ako sa paglalakad nang may lumapit saking isang babae at isang lalaking estudyante. Hi Maam. Tulungan na po namin kayo. Tugon ng lalaking estudyante ko, si Mr. Chua at kasama niya ang nililigawan niyang estudyante ko rin na si Ms. Dizon.

Napangiti ako nang kunin na nila ang bitbit kong bag na may mga lamang libro at lesson plans. Hanggang ngayon ba naman, nagliligawan parin kayo? Natatawang tanong ko sakanila.

Natawa naman silang pareho at nagsimula na kami sa paglalakad. Naku Maam, hindi naman po. Ihahatid ko na po sana siya pauwi e. Kaso ayaw niya pa daw umuwi. Mukhang gusto niya pa akong makasama. Tawa ni Mr. Chua dahilan para hampasin siya sa likod ni Ms. Dizon at nagbangayan na sila.

Mga kabataan nga naman---kabataan? Nakakamiss palang maging isang bata. Actually, para sakin, bata parin ako. 21 years old palang ako pero Maam na ang tawag sakin ng mga estudyante ko dito sa Senior High School. Ginagalang na ako kahit ng mga magulang nila kaya minsan, hindi ko maisip na bata pa ako. Totoo nga na ang edad ay numero lamang. Hindi mo mamamalayan na bigla na lang magbabago ang buhay mo dahil lang sa isang bagay na pinasok mo. Siguro, kung hindi ako nagteacher, baka hindi ako ganito kaprofessional kumilos. Namimiss kong maging baliw na bata. Ang kabaliwan, nasa ugali ko parin pero kapag nasa school ako, nag-iingat ako sa mga kilos at sinasabi ko. Medyo limitado ang pagkabaliw ko dahil baka gayahin ako ng mga estudyante ko. Hindi kasi ako ganun katinong tao. May kalokohan rin ako.

Ams! Tawag sakin ng isang pamilyar na boses mula sa likuran kaya tumigil kaming tatlo sa paglalakad at napalingon sakanya. Nang magkatinginan kami, pareho kaming natawa ng bahagya. Sorry. Maam Amira pala. Natatawang sabi niya nang makalapit na siya samin.

Hi Sir Kristian. Magkakilala po pala kayo ni Maam Amira? Nakangiting tanong ni Ms. Dizon na may halong panunukso kaya binigyan ko siya ng shup-up-ka-lang-diyan look. Napangiti at tumango naman si Kristian este Sir Kristian. Oo naman. Classmate kami nung high school. Sagot niya sabay tingin sakin na may halong pagtataka. Grabe no? Dati, high school palang tayo pero ngayon, teacher na tayo. Natatawang sabi niya kaya natawa rin ako ng bahagya at nagsimula na sa paglalakad. Ang dalawa ko namang estudyante ay nakasunod naman saamin sa likod. Gusto ko man silang paunahin sa paglalakad palabas ng campus para hindi nila kami makita ni Kristian na nag-uusap, hindi ko naman magawa.

Kasisimula palang ng school year at pareho kami ni Kristian na bagong teacher lang dito sa school na to. Alam kong nagtake siya ng Secondary Education at ako naman ay Elementary Education pero nagtake ako ng NCII para makapagturo ako kahit papaano sa Senior High School. Bagong bukas lang kasi ang school na ito kaya alam kong mangangailangan sila ng teacher. Syempre, kailangan ko nang sunggaban ang opportunity na yun dahil mahirap makahanap ng trabaho ngayon. Pero hindi ko alam na dito rin pala magtuturo si Kristian. Hindi ko inakalang magiging magkatrabaho kami ng ultimate crush ko since first year high school.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Future MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon