1st RULE : '' MAHALIN MO SIYA NANG BUO "
Oo, mahalin niyo siya nang buo . Hindi ko naman sinasabing wag kayong magtira sa sarili nyo . Ang gusto kong sabihin ay kung pu'pwede ibuhos nyo lahat nang pagmamahal na pwede niyong ibigay sa kanya . Wag nyong iparamdam sa kanya na sa umpisa lang kayo magaling . Na sa umpisa lang kayo sweet at caring . Kasi pag once na nakita at naramdaman niya yan sayo , panigurado mamahalin ka din niya nang buo , yung higit pa sa sarili niya . Wag na wag mong kakalimutang iparamdam sa kanya na hindi siya nagkamaling sagutin ka .2ND RULE : '' WAG KANG BOBO ''
Siguro nagtataka kayo kung bat nasabi kong ''Wag kang bobo'' . Di kayo nagkamali nang basa. Sa mga LDR dyan alam ko yung feeling na nasa malayo yung gf mo . Yung tipong pag may problema ka o nada down ka sa buhay mo eh gustong gusto mo syang yakapin at gawing sandalan pero di pu pwede kasi ilang milya ang layo nyo sa isa't isa . Na hanggang video call o tawag lang ang kaya niyang ibigay sayo . Pero di yan rason para maghanap ka nang iba . Na di porket nasa malayo gf mo eh maghahanap ka nang malapit sayo . Isipin mo din yung sitwasyon niya . Na kinakaya niya yung araw araw na di kayo magkasama para sa future niyo . Na kung nahihirapan ka eh mas nahihirapan siya kasi gusto ka niyang yakapin para mawala yung mga sakit na nararamdaman mo . Kaya wag kang magpapatalo sa lungkot . Isipin mo nalang na darating din yung araw na magkakasama ulit kayo . Everything will be worth the wait kaya wag kang maghahanap nang iba para lang may makasama ka . In short '' WAG KANG BOBO "
YOU ARE READING
How To Survive Long Distance Relationship
RomanceEto po ay base sa experience at opinyon ko po lamang .