9.

106 1 1
                                    

   Finally it's Friday, ang pinakahihintay ng lahat. We have no class today dahil syempre naghahanda ang lahat para sa maskarade party mamayang gabi.

  Siguro ang iba ay nagrerelax na or nagpapa spa samantalang ako ay kakatapos lang maglaba ng lahat ng damit ni Miss Madrid.

  "Jessie! Lutuan mo ako ng ulam bilisan mo at nagugutom na ako!" Sigaw nya mula sa sala. Siguro ay naglalaro na naman sya ng Plants vs Zombies sa computer nya.

   Padabog kong tinungo ang kusina at binuksan ang ref para maghanap ng lulutuin.

   "Wala na pong karne!" Sigaw ko habang nakatingin sa freezer.

  "Gawan mo ng paraan yang mga sangkap dyan. Dalian mo!"

  Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ang maaaring gamitin sa pagluto.

   "Jessie!! May bisita ka dali!!" Sigaw nya ulit kaya dali dali akong lumabas ng kusina.

   Naabutan ko doon si Miss Madrid na kaharap si Kathrine.

   "Aba ang ganda ganda mo naman iha, anong kailangan mo dito sa alaga ko ha?" Tanong ni Miss Madrid kay Kathrine.

   "If it's okey to you madaam ay hihiramin ko muna si Jessie ngayong araw." Tumaas ang kilay ni Miss Madrid at pinanlakiha ako ng mata para sabihing tanggihan ko si Kath.

   But Kath gave her a sweet smile. "Oh I fogot, I bring something for you madaam." She said." Yaya, ipasok nyo na lahat." Utos naman nya at pumasok sa pinto ang tatlong katulong na may dalang mga pagkain.

   "By the way, My name is Katherine Neruda."

   Nanlaki ang mata ni Miss Madrid. "Oh my gosh so you are the daughter of the former beauty queen Kathrina Weise?"

   "Nice meeting you po. Im glad that you still remember my mom."
 
   "Of course iha. Shes my idol when Im young. Kaya pala ang ganda ganda mo." Ngayon ay todo ngiti na si Miss Madrid.

  "So papayag na po ba kayong hiramin ko si Jessie?"

   "Sure iha. Ang hirap mo kayang tanggihan."
 
   "Thank you. I hope you will enjoy the food. It was cook by our personal chef sana magutuhan nyo po."

   Dali dali kong kinuha ang damit at sapatos sa kwarto at walang lingon lingon na sumunod sa sasakyan ni Katherine. Mas pipiliin kong omatend sa party nalang kaysa sa magpaalipin kay miss Madrid ngayong araw.

  "Saan tayo pupunta?" Natanong ko habang binabaybay namin ang traffic.

   "Sa parlor we need to prepare for tonight." Nakangiti nyang sabi.

   "Ang aga pa naman."

   "Yes i know but ayokong minamadali ang pagpapaganda. And also I want you to be perfect."

   Napangiti narin ako.

   "Kath thank you ha. Ngayon lang ako nakakahinga ng maluwag dahil sa inyo. You help me a lot. Hindi ko alam kong paano babawi sa inyo."

   "Sus its fine! Wag mo nang isipin yan. We are also happy na nakilala ka namin at naging kaibigan. Ang bait mo kaya. Hindi ka kagaya ng iba na gigamit lang kami para sumikat rin kaya ang swerte namin sayo."

   Nakaka touch naman yon. Pero tama nga sya kawawa silang mayayaman at pupolar dahil hindi sila basta basta nagkakaroon ng tunay na kaibigan.

 

   "So welcome. This is KN beauty salon. And this is Joe my favorite beautician."

   Namangha ako ng makita ang kabuohan ng salon. Ang high class at ang laki. Nakaka inggit yong may sarili kanang negosyo na sa murang edad. May mga  taga THU na rin na nagpapa ayos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teen High University (THU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon