Ako Naman (Spoken Poetry)

24 5 1
                                    

Isa, dalawa, tatlo

tatlong buwan pa lamang ang nakakaraan
ngunit parang an dami na nating pinagsamahan
hayaan mong ikwento ko sainyo
ang istorya na inakala kong magkakaroon ng tayo

Sisimulan ko sa pinaka-umpisa
Sisimulan ko sa kung paano ako nabihag ng iyong mga mata
na sa t'wing binabanggit mo ang panagalan niya
nagniningning ito na parang tala

Sisimulan ko sa kung paano naantig ang aking puso
sa bawat matatamis na patig na lumalabas sa 'yong bibig
sisimulan ko sa kung paano ko inamin sayo na 'gusto kita'
at sa kun g paano mo sinabi na 'gusto mo siya'

Sisimulan ko . . . saan nga ba nagsimula?

Basta ang alam ko lamang ay
nabulabog ang aking isipan 
nabulabog isang katanungan 
na tila walang kasagutan
ang tanong na "ano nga ba tayo?"

Naalala ko pang ibahagi mo sa'kin ang sarili mong istorya
kung saan 'siya' ang iyong protagnista
ramdam na ramdam ko ang  sinseriidad sa bawat salitang binibigkas mo

kitang-kita sa pagkislap ng iyong mga mata na  umiikot ang mundo mo sa kanya

Rinig na rinig ko ang pintig ng aking puso
pabilis ng pabilis ang takbo
at unti-unti na din na nadudurog
habang patuloy kang nagsasalita
ng hindi manlang nahahalata
na akong nasasktan na

Bakit nga ba ako nasasktan?
Eh, wala naman akong karapatan
Bakit nga aba ako nagseselos? 
Eh, magkaibigan nga lang pala tayo

Bakit ga ba ako nasasktan  ng ganito?
Simple lang.. akala ko kase ako
akala ko ang ang gusto mo 
akala ko ako na ang tutukuyin mo
akala ko  ako na . . . akala ko
akala ko lang pala

Nakakatuwa lang isipin na 
may tao pala talagang darating sa buhay mo
na magbibigay kulay sa madilim mong mundo
na magbibigay ng iba't-ibang motibo

taong ipapakia sayong 'di ka nag-iisa
taong magiging sanhi ng matamis mong pagtawa
at ikaw... ikaw 'tong aasa,
aasa at aakalain mong siya na

pero hindi pala ganon kadali
mahirap pala magbakasakali
mali pala lahat ng akala
mali pala ang pagkakaunawa

akala ko ako na ngunit . . .

ang nilalamana ng isip mo ay siya
ang sinisigaw ng puso mo ay pangalan niya
maging ang mga mata mo na akala ko sa'kin nakatingin 
ngunit nasa likod pala at tinititigan mo siya

Lagi nalang siya . . . siya nalang palagi!

Hindi ba pwedeng ako naman?

ako naman ang bigyan mong kahalagaha n
ako naman ang iyong tignan
ako naman ang pagtuunan mo ng pansin
ako naman ang 'yong isipin
ako naman.. ako naman a ng iyong mahalin

Pero kailan?
kailan mo pa siya makakalimutan?
kailan ka pa magigising sa katotohan
na hindi ka niya kayang mahalin?

Kaya naman san . . . sana balang araw

Makita mo na ako
maramdaman mo na ang presensya ko
marinig lahat ng salitang ipinapatungkol sayo
balang araw . . . sana . . .
ako naman

Poems for your ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon