Bang!
Bang!
Putok ng baril na nagmumula sa labas ng bakod
Iwanan nyo na yan ang bata na yan!
Tama ang pagkarinig ko?bata?
Ng tila wala ng ingay sa labas ay lumabas ako ng gate namin
"Diyos ko may sanggol na iniwanan sa tapat ng aming bahay"
Umiiyak ito,nilapitan ko ito saka kinarga papasok sa loob
Cardo!asawa ko!sigaw ko sa kanya
"Ano ba naman yan melit kasarapan ng tulog ko nanggigising ka!
Ano ka ba naman cardo hindi ka man lang nagising sa putokan sa labas kanina
" ano yang hawak mo?
Cardo ito na ang katuparan natin na magkaron ng anak!hulog siya ng langit sa atin
Lumapit siya sa amin ng bata saka pinagmasdan ito,mukha namang nagustohan nya ito kinuha nya ito at kinarga
"Melit ipagtimpla mo muna ng gatas si baby naku mukhang gutom na gutom ang batang ito"
Lumabas ako ng kusina saka pinagtimpla sya ng gatas
Mabilis itong nakatulog
Kinabukasan ay minabuti namin na lisanin ang lugar nato,kaylangan namin itong gawin sapagkat alam ko na baka bigla kaming balikan ng mga armadong lalake,na syang nag iwan ng bata sa tapat ng aming bahay
Pumunta kami sa malayong probinsya kong saan walang nakakakilala sa amin
Ako nga pala si melit,at ang asawa ko naman si cardo Chavez, matagal na kaming gustong magkaanak ng asawa ko kaso hindi kami pinapalad,lagi akong nakukunan,kaya naman ng dumating itong baby sa buhay namin ay hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na maging ina sa kanya
*****
8 years past
Nay!dito na po ako,mano po
"Kaawaan ka ng diyos anak" kumusta ang maghapon mo sa eskwelan?
Okey naman po!
At ipinakita nya sa akin ang kanyang mga quizzes sa school
"Naku mukhang matalino ang anak ko,pa hug nga si nanay"
Pagbubutihin mo ang pag aaral mo anak ha,para makatapos ka at magkaron ng magandang buhay
Opo nay,sige po aakyat po muna ako para magbihis
Okey nak
Pinangalan namin siyang nicole chavez,napakabait ni nicole,bata palang siya ay makita mo ng maganda at matalino
Pagkarating ng kanyang ama ay tuwang tuwa siyang sinalubong ito,napakasaya namin at perpekto ang aming pagsasama simula ng dumating sa amin ang bata
Siya ang dahilan kong bakit kami nagsisikap sa buhay,para sa kanya lahat yon
Minsan gusto ko na ipagtapat sa kanya ang lahat,pero napag usapan namin ni cardo na saka nalang pag lumaki na siya,dahil hindi nya pa masyadong maiintindihan ang lahat
BINABASA MO ANG
ISLA CARMELA
General FictionKasisilang palang ni carmela ng biglang dumating ang unos sa buhay nito,yon ay ang tangkang patayin ang kanyang mga magulang Itinapon sya ng mga armadong lalake,dahilan kong bakit napunta siya sa ibang pamilya Magkikita pa kaya sila ng kanyang ama?i...