Arnold POV
Mama,magsasampa ako ng kaso para kay Charisse, tulungan mo ako na tumistigo
Arnold mapanganib si Charisse baka ipapatay nya tayo sa oras na magsalita ako laban sa kanya!
Ma,mas matimbang pa ba sayo ang kaibigan mo na yan,buong buhay mo wala kang ginawa kong di ang pagtakpan sya,ma,unahin mo naman ako,ako ang anak mo!
Maatim ba ng konsensya mo na nagpapakasaya si charisse gayong marami na siyang nasagasaan at pinatay dahil sa kasakiman nya?nandon ka ng oras na sinaksak ni Charisse si ate jenny ma at itinulak sa bangin!nakita mo ang mga pangyayari na hindi ako ang tunay na pumatay sa kanya ,wala ka bang konsensya pati anak mo gusto mong ipahamak para lang sa kaibigan mo na yan?pag isipan mo ang sinasabi ko,sabay talikod ko kay mama
Nasasaktan ako sa ginagawa ni mama,ilang taon sya na nagpasakop kay Charisse,bumalik na ang aking alaala kaya alam ko sa sarili ko na hindi ako ang tunay na may sala
Pinapaikot lang ni Charisse ang daddy ni carmela,kahit kelan kayamanan lang ang habol ni Charisse,pinatay nya si ate jenny upang sa kanya mapunta lahat ng kayamanan na minana nito sa kanyang papa,stepsister ni charisse si ate jenny,anak si charisse ng pangalawang asawa ng lolo ni carmela sa ibang lalake,bago pa man sila nagsama ng naturang babae ay may anak na ito
Ang buong akala ni Charisse na kay ate Jenny ibinigay lahat ng kayamanan pero nagbago ang isip ng don,inilipat ito sa kanyang apo kay carmela
Nagtagni tagni ng balita si charisse na nabangga daw ang sasakyan ni ate jenny dahilan para mamatay sila ni carmela,pero gawa gawa nya lang lahat iyon nakaplano lahat ang kanyang ginawa
Pagbabayaran mo charisse lahat ng ginawa mo!gagawin ko ang lahat upang makamit ang hustisya
BINABASA MO ANG
ISLA CARMELA
General FictionKasisilang palang ni carmela ng biglang dumating ang unos sa buhay nito,yon ay ang tangkang patayin ang kanyang mga magulang Itinapon sya ng mga armadong lalake,dahilan kong bakit napunta siya sa ibang pamilya Magkikita pa kaya sila ng kanyang ama?i...