"Umuwi ka na, Mahal na kita. ikaw, Mahal mo pa ba ako?"
Sa loob ng pitong buwan, halos umiiyak ako na puno ng sakit ang aking nararamdaman.
Pero n'ong nabasa ko ang reply niyang iyon, sa loob ng pitong buwan, ngayon lang ako ulit umiyak ng masaya at nakangiti.
Mahal na n'ya ako, kung totoo, sana hindi lamang ito isang panaginip. Sana hindi lamang s'ya na wrong send. Sana hindi lamang s'ya napilitan.
Dahil noon palang pinangarap ko na s'yang makasama. Noong magkaibigan palang kami minahal ko na s'ya.
Magkaibigan ang mga magulang naming dalawa. Kaya malapit din kami sa isa't isa. Minsan, umaasa ang mama n'ya at mama ko na sana kaming dalawa ang magkatuluyan. Ewan ko ba, nababaliw na siguro mga magulang namin dahil alam naman nilang pareho kaming lalaki.
Pero, umaasa rin talaga ako na sana kami ngang dalawa ang magkatuluyan. Kaso, lingid sa kan'yang kaalaman na may lihim akong nararamdaman sa kan'ya.
Simula pagkabata kaming dalawa na talaga ang magkasama at laging magkasangga. Na-realize ko lang na mahal ko s'ya noong nasa 2nd year highschool kami.
"Allen, sinagot na ako Mika," sobrang saya n'ya ng mga oras na iyon. Sa sobra n'yang saya bigla na lamang niya akong niyakap ng mahigpit.
Hindi ko maintindihan kung ano ba ang nararamdaman ko ng mga panahong iyon. Basta ang alam ko lang nagagalit ako sa nalaman ko, nasasaktan ako sa nalaman ko.
Nagkunwari akong 'di nasasaktan, nilihim ko ring umiiyak ako n'on kinagabihan. Nilihim kong 'di ko tanggap na may iba na s'yang girlfriend. Nilihim kong mahal ko s'ya.
Sa loob ng ilang taon, ilang beses 'din s'yang nagka-girlfriend, maraming beses. Kaya maraming beses din akong nagkunwaring ayos lang ang lahat.
First year college kami noon, sa matagal na panahong pagkukunwari, lumabas din sa aking bibig ang mga salitang itinago ko sa matagal na panahon.
"Pumayag si Lisa na ligawan ko s'ya, hanep, Tol. Pagnagkataon, ako na ang pinaka-maswerteng nilalang sa mundo." wika n'ya sa akin habang naglalakad kami pauwi.
"Maswerte? Masasaktan ka na naman, kaya 'wag mo na ituloy 'yan." Wika ko habang diretso lang sa paglalakad.
"Bakit naman? Saka pakiramdam ko may gusto rin naman-------" natigil s'ya sa pagsasalita nang huminto ako sa paglalakad at agad s'yang hinarap.
"Hindi ka nila mahal, okay? Kasi kung mahal ka nila, hindi ka nila sasaktan. Kung totoong pagmamahal 'yon hindi ka dapat nila hahayaang masaktan," may galit na wika ko. Agad na nangunot ang kan'yang noo sa pagtataka.
"Bakit ka ba nagagalit?" mahinahon n'yang tanong. Hindi ko s'ya sinagot, sa halip tumalikod na ako at muli ng nagpatuloy sa paglalakad.
"Allen, teka nga!" hinawakan n'ya ako sa braso at agad na hinarap sa kan'ya.
Ngunit agad akong napaupo at napahagulhol ng iyak.
Noong mga panahong iyon, 'di ko na kayang itago kung ano man 'yong nararamdaman ko para sa kan'ya. 'yong pakiramdam na sasabog na ako kapag hindi ko nasabi lahat.
"Bakit ka umiiyak? Ano bang problema, Allen?" nagtataka niyang tanong habang patuloy akong nakaupo sa kan'yang harapan at malakas na umiiyak.
"N-nasasaktan ako, Marco." Pa-umpisa kong sabi sa pagitan ng aking bawat paghikbi.
"Nagseselos ako, matagal ko na 'tong nararamdaman. Tiniis ko 'yong sakit sa matagal na panahon sa tuwing nagkaka-girlfriend ka." tumayo ako at hinarap s'ya. Kahit umiiyak ay tinignan ko s'ya sa kan'yang mga mata at harap-harapang sinabi sa kan'ya ang lahat.
BINABASA MO ANG
Mahal Mo Pa Ba Ako? (One Shot Story)
Short Story"Umuwi ka na, Mahal na kita. Ikaw? MAHAL MO PA BA AKO?"