Chapter 2

20 2 0
                                    

Chapter 2

Unknown Number

Nakasurvive naman ako sa party ni Eudox pero hindi na muli ako nagbigay ng chance na magkausap ulit kami. Kahit panay ang titig niya sa akin ay hindi ko pinaunlakan.

Si Gabriel ay umalis na dahil may gig pa siya sa Resto. Si Leonissa ay busy din sa ibang bisita. Si Raphael ay hindi na mahagilap ng mga mata ko. I didn't seen him since the party lights out.

Bahala siya no! Malaki na 'yun, alam na niya ang direksyon pauwi ng bahay.

Marami nang nagsasayawan sa ilalim ng party lights. Nalunod na rin ako sa dagat ng mga nagsasayaw.

May nakabangga pa sa akin dahilan kung bakit na-out balance ako.

Napapikit ako, dinaramdam kung masakit ba kung babagsak ang pwet ko sa sahig.

Pero dumaan na ang ilang segundo ay hindi pa rin ako bumabagsak. Nakaramdam ako na may kamay sa baywang ko na nagsisilbing proteksyon sa akin para hindi ako tuluyang bumagsak.

Dahan-dahan akong dumilat at dun ko nakilala kung sinong kamay ang sumalo sa akin sa pagkakabagsak ko.

"Tadhana.." Pumungay ang kanyang mga mata nang tawagin niya ang pangalan ko.

Napalunok ako at unti-unting inayos ang pagkakatayo ko.

"E-Eudox.."

"You okay, Tadhana?" Hawak-hawak niya pa rin ang baywang ko.

Tumango ako, "I'm fine."

Kahit malakas ang music sa kanilang bahay ramdam ko pa rin ang katahimikan naming dalawa.

Tumikhim ako sa katahimikan namin, "I forgot to greet you, Happy Birthday Eudox." Malamig kong sinabi.

Tumango siya at sumilay ang sa kanyang labi ang isang ngiti

"Thank you, Tadhana. Kahit isang bati mo lang, my day is now perfect because of you." Hinahagod niya ang baywang ko pababa, pataas.

Shit! It tickles me, ayokong tumawa sa harap niya dahil nakikiliti ako.

Ngumuso ako at nag-isip ng ibang topic, "Nasaan pala si Leonissa?" Tanong ko kahit nakita ko naman kanina ang kaibigan ko.

"Tadhana, wag mong ibahin ang usapan. I said, my day is perfect because of you." Malambing niyang sinabi sa akin.

Agad akong nag-iwas ng tingin. Kahit labag sa kaloob-looban ko ang gusto kong umasa na sana.. sana..

"Tadhana!"

Nawala sa isip ko ang gusto kong ibakasakali nang bigla akong hinila ni Leonissa sa kung saan.

"Gonna borrow my Bestfriend, couz!" Sigaw niya kay Eudox.

Malaki ang ngisi niya ngayon. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi. Ayoko namang sirain ang magandang mood ng Bestfriend ko.

Nang makalayo kami sa mga nagsasayaw'ng bisita ay bigla akong yinakap ni Leonissa na may kasamang tili pa. Sobrang saya niya ata ngayon.

"OMG Tadhana." Nagtitili pa rin siya, natawa nalang ako sa kanya.

"Bakit?" Nagawa ko pang isantabi ang pag-uusap namin kanina ni Eudox.

"Tadhana, me and Raphael.. We've exchange numbers!" Tumili na naman siya.

Napabuntong-hininga ako, akala ko kung ano na. Naglalaro na naman si Raphael at ang kaibigan ko pa ang tinitira niya ngayon.

Gusto kong pagsabihan si Leonissa pero sobrang saya niya para sirain iyon. Ngumiti na lang ako. Baka magbago ang ihip ng hangin at magtino ang "Kuya Raphael" ko!

You Captured My Heart (GOFS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon