【 Kaibigan】
"Pwede bang makipag kaibigan?"
Ganyan ang sabi mo nung unang pag kikita natin.Tatanggapin ko sana ang iyong kamay na nakalahad saakin.
Ngunit biglang nag bago ang aking isip ng ika'y may masamang tingin.Naaalala ko pa nga kung paano mo ako kulitin.
Na parang may iba sa iyong tingin.Mukhang may binabalak ang iyong patingin.
Ang bawat ngiti mo ay parang plastik saakin.Nakalipas ang araw at patuloy ang iyong pakikipag lokohan.
Ako'y nakikisabay at nakikipag mabutihan.Pero hindi ka ba nakakahalata saakin?
Sa tuwing tinatanong kita ay napapaiwas ng tingin.Mala anghel ang iyong mga matang na nagpapa amo sa akin
Pero hindi mo ba alam na sa sarili mong patibong ikaw ay nahuhulog din.Wag kang mag alala alam ko ang iyong gagawin.
Sisirain mo ang aking pagkatao at ako'y gagamitin.Patuloy ko saiyong babanggitin
Nag kakamali ka ng iyong lolokohin.