Poetry 3.

17 0 0
                                        

【Mama】

Simula sa sinapupunan ka ay kanyang pinag hirapan
Ika'y inalagaan at pinag mamalaki kanino man.

Dumating ang elementarya
Ika'y inihahatid niya
Minsan pa nga ay binabantayan ka hanggang makalabas ka.

Pag may ng aaway sayo paniguradong nandiyan agad siya.
Minsan pa ikaw ay may sinasabing "lagot kayo sa mama ko"

Isa siyang super hero ng buhay natin
Dahil bago pa natin makilala si wonder woman , darna at iba pa siya ang unang babaeng tagapag ligtas natin.
Handa siyang makipag sagutan para lang sayo.

Nakatapos ka ng elementarya at ikaw ay aakyat sa entablado.
Kasama babaeng pinakamamahal mo. Inabot mo medalya na tatanggapin mo at isinuot sakanya.
At sinabing "para po sayo ang medalya na yan".

Simpleng bagay lang matutuwa na siya
Dahil ang anak niya ay pinag mamalaki niya.

High school kana pero hanggang ngayon inaasikaso ka parin niya.
Wag kang mag tampo kung napapagalitan ka.
Tanda iyon ng pag mamahal niya.

Hindi siya magagalit kung hindi ka niya mahal.
Gusto ka lang niya maging isang disiplinado.

Alalahanin mo ang mga ginawa niyang mabuti sayo.
Ang mga pangaral na ipinaparinih niya sayo.
Dahil hanggang pag tanda siguradong ito ay dadalhin mo.

Pag dating ng panahong mahina na siya
Ibalik mo sakanya ang mga pag aalagang ginawa niya.
Iparamdam mo na mahal mo siya.

Shh i'm writing.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon