Beyond The Portals

34 0 0
                                    


This is a work of fiction. Any names, characters, places, and stories or events, are fictitious.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

"Can somebody explain to me what thermodynamics means?" inisa-isa kaming tiningnan ng professor namin. That question is too basic tho. Hihintayin ko lang ang kung sino man dito ang magtataas ng kamay nila, pero kung wala then I'll answer it.

Aishh this will take forever if I will still wait for someone to answer it.

"Anyone?" still walang sumagot, pinagmasdan ko ang mukha ni Prof, and alam kung maghihysterical na naman siya dito kung walang sumagot.

"This is the Star section right?"

"Yes sir" mahinang sagot namin

"Right?!" he shouted that made us answer him yes in a louder way. Lahat na ngayon ay nakaattention sa kanya. Unlike earlier, merong mga nakatunganga, pinaglalaruan ang ballpen o di kaya'y kinakagat, at meron ring natutulog, then with just a shout they all went back to their senses.

"Naturingan pa namang star section pero wala man lang ni isa dito ang makakasagot sa simpleng tanong na iyon, You don't deserve to be in this section!" dina ako nakatiis so I raised my hand, he looked at me with his furious eyes.

"Magc-cr ka Mr. Alonzo? I forbid you to go out!" Di man lang ako pakikinggan? Haysst

"No sir I just want to answer your question" pagkasabi ko iyon ay parang medyo nahimasmasan na siya.

"Let me hear it then" ayyy iba din? Kanina lang ay parang wala nang bukas kung makasigaw tong si Prof tapos ngayon sinabi ko lang na sasagutin ko na bigla-biglang ngumiti, bipolar lang?

"Thermodynamics is a branch of physics concerned with heat and temperature and their relation to other forms of energy and work. The behavior of these quantities is governed by the four laws of thermodynamics, irrespective of the composition or specific properties of the material or system in question. The laws of thermodynamics are explained in terms of macroscopic constituents by statistical mechanics." Akma na sana akong uupo kaso nagtanong ulit si prof.

"So what variety of topics do thermodynamics applies to?" another basic question.

"Thermodynamics applies to a wide variety of topics in science and engineering, especially in chemical engineering, mechanical engineering and physical chemistry." Kitang-kita ko sa mga mata ng classmate ko ngayon na maanghang-mangha sila sakin, may mga naka-O pa nga ang bibig e.

"Impressive Mr. Alonzo, you may now take your sit. Ganyan dapat ang mga studyante sa star section. Brainy, hindi yung pinangangalandakan niyo sa buong school na taga star section kayo pero wala naman pala kayong ibubuga na galing"

Pag katapos manermon ni Prof sa mga kaklase ko agad siyang nagpadissmiss ng klase dala na din siguro ng pag kainis pero bago pa man ako makalabas ng pi ntuan ng classroom ay tinawag ako ni prof.

"Mr. Alonzo" Kinabahan ako dahil ngayon lang naman ako tinawag ni prof ng ganito

"Yes Prof?" ninenerbyos nako sa maaaring sabihin ni prof sakin

"Nice answer Mr. Alonzo" Haysst kinabahan ako dun

"Thanks Prof" Pahakbang na sana ako palabas pero tinawag ulit niya ako but this time he instructed me to follow him towards his office.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BEYOND THE PORTALSWhere stories live. Discover now