Chapter 3 : Dare

59 4 0
                                    

Yuta's POV

Andito kaming lahat sa field sakto parehas kami lahat ng vacant.

" Bro ano na? 1 month na naka lipas gawin mo na yong dare. " sabi sa akin ni Johnny

" Kailangan ba talaga? Parang tanga naman kasi " inis kong sabi sa kanila

" Tangina mo para hindi ka na maging playboy sundin mo na " sabi ni taeil sa akin. Maka mura to

" Oo na oo na! Ano bang gagawin? "

" Hindi mo ba binasa sa group chat last month ? " bored na tanong ni Taeyong

" wow parang maalala ko no " sarcastic na sabi ko

" Kanina lang pinag usapan ulit natin yon ah. Bilis mo maka limot " Naiinis na sabi ni ten habang hinihilamos niya yung mga palad niya sa muka niya.

" Ganito kasi kung sino ang unang dadaan dito sa harap natin siya i ddate mo " sabi ni Mark

Andito kami sa dulo ng field baka abutin pa kami bukas bago may dumaan dito

" Now na? " tanong ko sa kanila. Sana chix naman dumaan

" Oo ngayon na arte ah " sabat ni Jaehyun sa amin

" Sana si rosé dumaan " naka ngisi ko na sabi nakita ko nan laki mata niya kaya nag tawanan sila

" Pare wag ganyan, off limits si rosé "

" off limits my ass " rinig kong sabi ni taeyong kaya napatawa ako

" Taeyong? Paano kung si Jennie ang dumaan? " tanong ni jungwoo. Nakita ko na ang sama ng tingin ni taeyong sa kanya

" Off limits si jen "

" off limits din si rosé "

" Okay okay " sabi ko habang naka taas yung dalawa kong kamay

----

Jennie's POV

Andito kami sa cafeteria inaantay ko sila taeyong

" Jen chat mo na si Ty " sabi ni rosé nag nod na lang ako sa kanya bilang sa

Binuksan ko 'yong messenger para i chat si Taeyong

Jennie : Asan na kayo? Hinihintay namin kayo dito sa cafeteria

Taeyong : Andito kami sa field.

Jennie : Hindi kayo sasabay mag lunch?

Taeyong : Hindi na babe, mauna na kayo baka matagalan pa kami gagawin na kasi ni yuta yung dare.

Jennie : Seryoso ba kayo dyan? 

Taeyong : Katuwaan lang, saka mas okay na to baka mainlove ng tuluyan si hapon para hindi na maging babaero 😂

Jennie : Kalokohan niyo. Kapag alam niyo na may masasaktan na itigil niyo na.

Taeyong : Yes babe. Sige na mag lunch na kayo.

" Rosé mauna na daw tayo mag lunch ginagawa na ni yuta yung dare nila "

" Hay naku mga lalaki talaga " 

" Jennie mauna na daw tayo kumain pupuntahan pa ni Jisoo si Mark " sabi ng kakarating lang na si lisa

" Asan ba si Mark? " 

" Kasama nila taeyong sa field " biglang nan laki mata ko omg oo nga pala

----
Jisoo's POV

Andito na ako sa field nakita ko na din sila mark nasa may dulo sila.

Kainis naman naiwan ko kasi yung phone ko kay mark pinahiram ko siya para mag level up ako sa PUBG, Magaling daw siya eh.

Papalapit na ako sa kanila nakita kong nanlalaki mata ni yuta muka naman hindi mapakali yung iba

Dumaan ako sa kanila nasa dulo kasi si mark

" Mark yung phone ko na sayo " awkward ko na sabi, lahat kasi sila naka tingin sa akin

Bigla tumayo si mark nanginginig niya na inabot yung phone ko

" Okay lang ba kayo? " tanong ko sa kanila nag iwas naman sila ng tingin

" Ahh oo naman hehe " awkward na sabi ni Jaehyun, super fake ng tawa niya. Ang weird nila

" Okay? Sige alis na ako " na weweirdan ako sa kanila kaya kumaway na lang ako

-----

Yuta's POV

" Shet si J-jisoo? " gulat na tanong ni Jungwoo sa amin

" Itutuloy pa ba? " nag aalangan na tanong ni mark

" Ituloy pa yan gusto niyo diba? " naka ngisi ko na sabi sa kanila

" Bro, tropa natin si Jisoo hindi na siya iba sa atin." Sabi ni johnny halata mo na nag aalala

" Sabi niyo kung sino unang dumaan diba? " nang aasar na tanong ko sa kanila

" Off limits si jisoo " naka pout na sabi ni winwin.

" No ang sabi niyo lang na off limits si rosé at jennie "

" Pero- " mag sasalita pa sana si ten pero hindi ko na siya pinatapos

" Wala ng pero pero " sabi ko sabay alis

" Tangina ano ba tong ginawa natin " rinig kong sabi ni Taeyong

--------

Hello? Please vote and comments. Thankyou so much!!! ♡♡♡

Without you [Nctpink]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon