UNA

33 3 4
                                    

Simula

"Danica! nasaan si Keisha? hanapin mo nga yung pinsan mong yun. Tapos pumunta kayo ng baryo para bilhin 'tong mga nakalista na'to. Dali na anak!" Tawag sa akin ni Mama na nasa tapat na ng pinto at nakasuot ng apron, may hawak na sandok sa isang  kamay at sa kabila naman ay listahan ng bibilhin ko.

Luminga linga ako para hanapin si Keisha sa sala pero wala naman.  Saan na naman kaya pumunta yung babaeng yun?

Lumapit ako kay Mama para kunin yung listahan ng bilihin ko. Tinignan ko ang listahan at medyo mahaba haba ito.

"Kailangan nyo na po ba itong lahat ngayon Ma? ang dami ah?" Tanong ko kay Mama pagkatapos kong i iscan yung listahan.

"Oo, Anak. Alam mo namang marami ang kailangan kong mga sangkap at bilihin dahil malapit na ang Fiesta dito. Hanapin mo nalang si Keisha para may kasama ka at maipasyal mo narin yung batang yun dito sa lugar natin." Sabi nya bago ako halikan sa pisnge at tumalikod para bumalik sa loob ng kusina.

Umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay para tignan sana kung nasa kwarto ba si Keisha pero wala naman akong nadatnang Keisha doon. Napahinga nalang ako ng malalim at bumaba nalang. Wala akong magagawa kung hindi mag isang pumunta sa baryo at bilhin ang lahat ng mga ito.

"Tsk. Ang dami pa naman."  Reklamo ko sa sarili bago lumabas ng bahay.

Pagkalabas ko ng bahay hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa makulay na bayan namin. Ang sigla tignan ng buong bayan dahil sa nalalapit na pyesta ng Poong Santo Niño. Ang daming mga palamuti ang nakapalibot sa buong bayan, at iba't ibang kulay ng mga banderitas.

"Keisha, ayusin mo naman yang pagkakabit mo ng palamuti oh?  tabinge hindi pantay katulad ng mga naunang iba." Narinig kong utos ni Tatay Delfin kay Keisha.

Naglakad ako papunta kay Keisha. Nandito lang pala itong babae na'to at nakikigulo kila Tatay Delfin.

"Opo, Ito na nga po eh. Ang taas naman po kasi ni'to Tatay Delfin hindi ko maabot." Nakangiting sabi ni Keisha habang pinipilit abutin yung poste para ikabit yung palamuti.

Natawa nalang ako at si Tatay Delfin nang hirap na hirap ng tumingkayad si Keisha para maayos at mapantay yung palamuti.

Lumapit si Tatay Delfin para sya na mismo ang mag ayos nung palamuti. Siguro ay napagod na si Tatay Delfin makitang nahihirapan si Keisha na abutin pa yung poste.

"Ayan, pantay na! Ikaw kasing bata ka ang liit liit mo eh!" Natatawang asar ni Tatay Delfin kay Keisha. Napasimangot naman si Keisha dahil sa pang aasar ni Tatay Delfin sa kanya.

"Tatay Delfin naman! hindi ako maliit okay? sadyang sobrang mataas lang yung poste at hindi ko maabot." Paliwanag nya pa at kumuha ulit ng isa pang palamuti para isabit ulit doon sa isa pang poste na wala pang palamuti.

Natawa naman kami ni Tatay Delfin at ang iba pang mga taong tumutulong magdecorate ng buong bayan kay Keisha.

Aba't nagpapalusot pa ang babaita! Sakto lang naman yung tangkad nung poste eh! Hindi lang nya talaga maabot yung tuktok kahit may gamit na syang upuan.

"O 'sya sige sabi mo yan eh! Tama na nga yan at baka masira pa yung palamuti pagka pinilit mo pang abutin yung mataas na poste na sinasabi mo." Pang aasar pa lalo ni Tatay Delfin kay Keisha.

Lalong kumunot ang nuo ni keisha at humaba lalo ang nguso dahil sa dagdag na asar ni Tatay Delfin.

Marami ang gustong magpresenta na tulungan si Keisha. Pero lagi nyang tinatanggihan. Gusto nya talagang masubukan ang pagdedecorate kaya nang gugulo kila Tatay Delfin.

"No, Tatay Delfin. I can do this! Trust me."  Ngiti pa nya bago hinila  yung upuan sa kabilang poste para maikabit yung palamuti.

Lumapit na ako sa kanya bago pa sya mahirapan ulit ikabit yung bagong palamuti.

I love you since now and thenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon