Pangalawa

13 3 2
                                    

Horror house

Naglalakad kaming tatlo ngayon at hindi alam kung saan pupunta. Paano ba naman kasi si Keisha lang ang sinusundan namin at kanina pa sya naglalakad at lumulutang ang isip.

"Uhmm? Keisha? kung wala ka sa mood mag laro at mag ikot ikot pwede naman tayong maupo sa mga benches dito eh." Suhestion ni Zyren kay Keisha na halatang napapansin na ang pagkawala ng diwa ni keisha.

Napatigil naman si Keisha sa paglalakad at napatingin kay Zyren. "Huh? H-hindi okay lang ako. Tara punta tayo doon sa may Horror house! yun yung kanina pa gustong puntahan ni Nica eh. Ayaw ko lang kasi natatakot ako." Suhestion ni Keisha at muli na naman kaming hinila papunta sa Horror house.

Umupo muna kami saglit ni Zyren sa isa sa mga benches na nagkakalat sa buong paligid ng plaza. Nag offer si Keisha na sya na lang daw yung pipila at bibili ng Ticket but Zyren insist sadyang stubborn lang talaga si Keisha kaya hinayaan nalang ni Zyren na si Keisha. Nag abot nalang si Zyren ng pera kay Keisha na pambili ng ticket. Hindi na naka angal si Keisha kaya kinuha nalang nya yung inabot na pera ni Zyren at dumaretso na sa pilahan ng bilihan ng ticket.

Yumuko ako at tinignan ang suot kong sapatos. Bigla ko nalang naramdaman ang pagka balisa, hindi ako sanay na maiwan mag isa kasama si Zyren lalo na at dalawa lang kaming magkatabi na nakaupo sa isang bench. Although magkababata kami ni Zyren at lagi magkasama at magkalaro noon ay iba pa rin ngayon. Ilang taon na rin ang lumipas at hindi na kami bata at isa pa naiilang na ako sa kanya ngayon dahil noon pa man may crush na ako sa kanya. Ngayon pa ba kaya na mas lalo lang naging matured at mas lalong naging gwapo.

Narinig kong tumikhim si Zyren bago nagsalita "Uh? Dans, Okay lang ba si Keisha?" Biglang tanong sa akin ni Zyren.

Nilingon ko sya at nagkibit  balikat nalang ako sa kanya. Hindi ko rin naman alam ang isasagot sa kanya. Hindi ko rin sigurado kung talagang okay lang ba si Keisha kahit halata namang hindi. Lalo namang hindi ko alam ang dahilan ng biglang pagkawala ng mood ni Keisha. Hindi naman ako sure sa iniisip ko, ayaw kong magconclude at baka mali naman pala ako ng akala.

"Hindi ko alam Zyren, hindi rin sinabi sa akin ni Keisha. Hinayaan ko nalang baka hindi pa sya handang sabihin sa akin." Paliwanag ko kay Zyren habang nakatingin ako kay Keisha na nasa pila at naghihintay ng turn nya. Marami ang mga lalaking nag o offer sa kanya na mauna nalang at pinapasingat nya, pero tinatanggihan nya ito at naghihintay nalang na sya na yung susunod.

Natawa nalang ako sa isip ko. Kahit saan mo talaga sya dalhin hindi talaga maiiwasan na hindi sya pansinin ng mga tao. Yung ganda na meron kasi sya ay yung tipong hindi mo pwedeng daan daanan lang. 

"Ang ganda talaga ng pinsan mo noh? Ang daming gustong manligaw sa kanya." Sabi ni Zyren habang nakatingin din kay Keisha.

Tumango nalang ako at natahimik. "Dans, I wonder what happen to you?" Biglang tanong ni Zyren out of the blue

Napangiti ako sa tanong nya sa akin. "Well, naging okay lang naman ako sa mga nagdaang taon na wala ka at hindi na naman tinupad yung pangako mo." Pang aasar ko sa kanya. Para sana maalis yung outspoken ilangan namin sa isa't isa.

Natahimik naman sya ng ilang sandali "I'm not talking about that. What I mean is anong nangyari sayo at bakit hindi ka nagmana man lang nang kaunting kagandahan kay Keisha." Natatawang asar ni Zyren sa akin.

Napasimangot naman ako sa kanya at hinampas sya sa batok. "Alam mo ikaw? Siraulo ka pa rin hanggang ngayon eh! wala ka pa ring pinagbago, mapang asar ka pa rin!" Sabi ko sabay irap sa kanya

Natawa naman sya sa binigay kong reaction sa kanya at kinamot ang batok nya na hinampas ko kanina. "Ito naman, hindi ka na mabiro ngayon ah?  talagang nagmatured ka na Danica simula nung huli tayong nagkita."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I love you since now and thenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon