Someone P.O.V
"aki apo bumangon ka na diyan"
Manang sonia-"Hmmm lola inaantok pa po ako"
Aki-"Aba anong oras na apo" lolo erning-
"lolo maaga pa po mamaya na po tayo mamalengke" Aki-
"Aki apo tapos ng mamalengke ang lolo mo hindi ka na ginising dahil sarap na sarap ka sa tulog mo" Lola sonia-
Bahagyang natawa si manang sonia dahil sa kinilos ng kanyang apo na si aki.
"eh lola san naman po ba ako pupunta?" aki-
Tumayo na si aki at nag ligpit na nang higaan sinunggaban niya ng yakap ang kanyang lola nakita naman ito ng kanyang lolo at pawang napangiti na lamang
"apo nakalimutan mo atang ngayon ang enrollan diba, wala ka bang balak pumasok?" lola sonia-
Napatingin si aki sa kanyang lolo na busy sa paghahanda ng kanilang makakain at kasabay non ang malungkot na mukha na tumingin sa kanyang lola
"O, apo hindi ka ba excited sa pasukan" lolo erning-
"pero lolo mas magandang tulungan ko nalang po kayo sa hanap buhay at sa mga gawaing bahay dito" aki-
Nagkatinginan na lamang ang magasawa dahil sa sinabi ng kanilang apo kahit na may punto ito subalit mas maganda na lamang na pumasok ito kaysa maghanap buhay. Lumapit si lolo erning sa kanyang apo na katabi ng kanyang asawa.
"makinig ka apo kailangan mong mag aral apo naiintindihan ka namin ng lola mo pero mas mabuting magtapos ka muna ng pagaaral para matulungan mo kami ng lola mo hayaan mo munang suportahan ka namin ng lola mo sa mga kailangan mo sa school, ayos bayun apo huh?" lolo erning-
"sige po lolo pangako magaaral ako ng mabuti para matulungan ko na kayo ni lola" aki-
Masayang tinignan ni aki ang kanyang lolo at lola. pakiramdam ni aki kumpleto na siya at wala na siyang mahihiling pa kundi ang makasama ang dalawang taong pinakamamahal niya.
Aki P.O.V
Nandito ako ngayon naglalakad para pumunta sa school kung saan ako mageenroll para sa pasukan. Hanggang ngayon iniisip ko parin ang sinabi ni lolo at lola mahirap lang kami at mahirap para sakin ang makita silang naghahanap buhay o nagpapakakuba para lang matustusan ang pangangailangan ko sa pagaaral masakit sakin ang makitang ganoon ang nangyayari sa lolo at lola ko imbes na nagpapahinga na lang sila ay nagagawa pa panilang maghanapbuhay para lang sakin kung mag tratrabaho man ako alam kong hindi papayag si lolo at lola siguro nga tama si lolo mas mabuting mag aral na lamang muna ako ng mabuti para naman matulungan ko sila pag nakapagtapos na ako ng pagaaral. Minsan napapaisip ako kung bakit ako napunta kila lolo at lola nasan na kaya ang totoo kong mga magulang ? Kahit isang beses di ko magawang itanong iyan sa lolo at lola ko dahil natatakot akong marinig ang mga hindi ko gustong marinig kaya hindi ko nalang ito inuungkat baka madagdagan ko pa ang mga iniisp nila baka dahil diyan mapasama pa at mas mabuti nalang na manahimik na muna ako at wag na munang ungkatin pa ang tungkol sa mga magulang ko. Hayss bilisan ko na nga para makauwi ng maaga at baka magaalala sila lolo at lola.
"magandang umaga po sir tulungan ko na po kayo" aki-
"ah, salamat ija napakabait mo naman na bata" Grant Forrester-
"wala po yun *smile* sige po mauna na po ako magandang araw po" aki-
Tinulungan ko na ang matandang lalaki hind naman ito tumanggi. Madalas kasi sa mayayaman matapobre tingin nila sa sarili nila sila lang ang pinakamayaman buti na lang ang matandang yun hindi katulad sa ibang mayayaman mabait naman at mukhang karesperespeto.
BINABASA MO ANG
Boys Meet Girl, Girl Meet Boys
Teen FictionBoys Meet Girl, Girl Meet Boys paano kung mag krus ang mga landas nila ano kaya ang mangyayari? May kasiguraduhan kaya ang bawat kabanata ng kanyang buhay? Paano kung lahat ng nakapaligid sa kanya ay niloko siya at sinaktan ng todo magagawa niya pa...