“D-demi anak, m-mahal na mahal k-ka ni mama at p-pa ha. Mahal na mahal k-ka namin w-wag ka-----"
Hindi natapos ng babae ang kanyang sinasabi dahil bigla na lamang siyang sumuka ng dugo.
"Mama... mama! Wag nyo akong iiwan please?" iyak ng isang batang babae sa duguan niyang ina.
*Bang*
*Bang*
*Bang*
Magkakasunod na putok ng baril ang lalong nagpalakas sa iyak ng batang babae.
"Anak! Run! Tumakbo ka na magtago ka!" sigaw sa kanya ng kanyang ama.
Natatakot man pero tumuloy padin sa pagtakbo ang batang babae.
Ngunit bago siya makaalis sa lugar na iyon, lumingon muna siyang may luha sa kanyang mga mata.
Natatakot siyang tumakbo paalis ng dahil sa kabyang nakita.
Paulit ulit na tumatakbo sa isip niya kung paano paulanan ng bala ng mga lalaking nakaitim ang kanyang mga magulang.
***************