Nandito ako at ang anak kong 16 na gulang ngayon sa harap ng puntod nila mama at papa, binibisita ko sila ngayon.It's been 17 years simula nung huli kong bisita dito.
Kahit di ko sila laging kasundo, mahal na mahal ko silang dalawa. Sila ang gumabay sakin hanggat pag laki ko. Di nila ako pinabayaan, lagi silang nakasuporta saakin.
Kaso oras na nila noong mga panahon na iyon, kailangan na nilang iwan ako.
May naramdaman akong naglalakad papunta sa likuran ko, pag tingin ko, nakita ko ang isang lalaking 17 na taon ko ding di nakikita.
"Peter" mahina kong sabi sa pangalan nya. May hawak syang mga bulaklak
Ngumiti sya saakin, ang napaka gwapo nyang mga ngiti, na-miss ko sya, ang mga yakap nya at halik.
Pagkatapos mamatay nila mama at papa, umalis ako para mag ayos at hanapin ang sarili ko, at sa pag alis ko na iyon ay ang pag iwan ko sa lalaking pinakamamahal ko nang lubusan.
Tinignan lang ako ng anak kong babae.
"anak, dun ka na muna sa sasakyan, intayin mo si mama don. Mag uusap lang kaming dalawa" sabi ko sabay ngiti sa anak ko.
Tinignan nya lang ako at unti-unting tumango, tumakbo sya papunta sa sasakyan namin.
Ibinaling ko ang tingin kay Peter.
"dadalawin mo din ba sila mama at papa?" tanong ko
Tumango lang sya at ngumiti ng mapait.
"uh," sabi nya at napakamot ng batok.
"mmhh?"
"a..ano,,ang ganda ng anak m..mo, mana sayo" mahinang sabi nya.
Ngumiti lang ako
"oo, napaka ganda nya, 16 years old na sya"
"s..sino ang tatay n..nya?"
"hindi ko din alam"
Nagulat sya sa sinabi ko at maya-maya napalitan na ng inis ang ekspresyon nya.
"iniwan mo ko, tapos isang taon lang ay nagpabuntis ka sa di mo kilalang lalaki?! Ganon ka na ba kabilis mag hanap ng iba? W...wala na ba kong halaga sayo? " naiinis na sabi nya
Mahina naman akong napatawa.
"anong tinatawa-tawa m...mo?" pag tataka nya
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mukha nya, napaka gwapo pa rin nya talaga.
Ngumiti ako sa kanya, bakas na bakas ang pag tataka nya sa mga ginagawa ko.
"di ako ang biological mother ni Cristine, anak sya ng matalik kong kaibigan na namatay dahil sa isang sakit, pinaubaya nya sakin ang sanggol. Simula noon ako na ang nag alaga sa kanya. Wala akong naging ibang lalaki, ikaw lang, ikaw lang ang minahal ako at mahal ko hanggang ngayon"
Nagulat naman sya at unti-unting napalitan ng mga ngiti.
"akala ko napalitan na ako dyan sa puso mo, mahal ko." sabi nya habang hinahaplos ang muka ko.
Niyakap ko sya ng mahigpit.
"na-miss kita, miss na miss na miss kita,sorry dahil naiwan kita dati, gulong-gulo lang ako noon, pero di ibig sabihin non na di na kita mahal. Kahit kailan di nawala ang pag mamahal ko sayo" naiiyak na sabi ko.
Sawakas nasa harapan ko na ngayon ang lalaking mahal na mahal ko.
"mahal na mahal din kita, ikaw lang at wala nang iba, tandaan mo yan"