Kabanata Isa

8 0 0
                                    

U N A N G K A B A N A T A

--------------------------------------------------------

"Babe bakit ka naman nagkakaganyan? may problema ba ?" kabadong tanong ko kay aki.

"Drake, paprangkahin na kita. ayaw ko na. di ko na kaya. break na tayo." nagulat ako sa sinabi ni aki kaya biglang bumigat ang naramdaman ko.

" ano ? bakit? babe naman, wag naman ganyan. bakit mo naman gusto makipag hiwalay? may nagawa ba akong mali ?" naiiyak na sabi ko kay aki habang magkaharap kami.

"Drake wala kang ginawang mali. wala. pero drake na realize ko na hindi tama ito. i mean mali tong relasyon natin."

"anong mali? nagmahalan naman tayo aki diba ? diba mahal mo naman ako? aki wag ganito, wag mo akong iiwan. plss?" pagmamakaawa ko kay aki.

"look drake noong una wala talaga akong balak na ligawan ka kasi una hindi ka babae. and besides kaya ko yun nagawa dahil ayaw kong matalo sa pustahan. and ---" napatigil siya sa pagsasalita nang bigla akong sumingit.

"teka teka! anong sinasabi mo? pustahan? anong pustahan?" pagtatakang tanong ko kay aki. bigla itong napatikom at napayuko. maya maya ay nagsalita na ito habang naiiyak na ako sa pinaguusapan namin. di ko na kinakaya!

"I'm sorry drake. nagpustahan kasi kami ng barkada ko na maging tayo ng isang buwan at pag nagawa ko yun makakakuha ako ng 20thousand bilang pabuya. hindi ko naman talaga gusto to eh. patawad drake." nabigla ako sa sinabi ni aki sa akin. pustahan lang ang lahat? sobra akong nasaktan at napatakip ako sa bibig ko kasi hindi ko na kinakaya ang nangyare. Ang sakit pala na mapagtripan lang pagmamahal na ibinigay mo sa tao. yung minahal mo ng totoo pero hindi pala lahat ng to ay totoo.

"haha" mahinang tawa ko habang umiiyak. grabi ang sakit!

"pustahan lang pala ito lahat?"

"20thousand lang pala ang halaga ng pagmamahal ko aki?. aki ano bang nagawa kong mali sayo? napakasama mo!!" tumayo na ako nagmamadaling umalis sa loob restaurant dahil hindi ko na kinakaya pa ang nalalaman ko mula kay aki. hindi ko maisip na sasaktan ako ng taong mahal na mahal ko. iniwan na naman ako. palagi nalang ako iniiwan at ang sakit sakit na.

Hinanap ko agad si evan para makauwi na. nang natanaw ko siya sa isang bench na nakaupo ay agad akong nagtungo sa kanya.

"ay buti naman at dumating na ang prinsesa. ang tagal mo!" pagrereklamo ni evan nang makita na niya ako na nakatayo sa harap niya habang nakayuko.

tumayo na ito at nagsalita.

"oh kumusta naman ang pag cecelebrate niyo ng first monthsarry niyo ng boyfriend mong mukhang petchay? haha" pagbibiro pa ni evan. hindi pa rin ako nagsasalita at nananatili pa rin akong nakayuko at umiiyak. hindi ko pinapansin si evan dahil hindi ako naka move on sa nangyare sa akin kanina lang.

nang mapansin ni evan na hindi ako nagsasalita ay hinawakan niya ang dalawang balikat ko at niyogyog niya ako. nananatili pa rin akong nakayuko dahil ayaw kong makita niya na umiiyak ako.

"Uy!!!! dredrey nakikinig ka ba ?" tumigil siya sa pagyugyog sa katawan ko at bigla niyang hinawakan ang baba ko at dahan dahan niyang inangat. nang makita niya na umiiyak ako ay nawala ang ngiti sa mukha niya at naging seryoso na ang mukha ni evan.

"bakit?" napakaseryosong sabi ni evan sa akin.

maya maya ay bigla niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap. doon na ako umiyak ng malakas sa balikat niya.

"vanvan masama ba akong tao? masama ba ako at napakadali lang sa kanila na saktan ako?. vanvan ang sakit. ang sakit sakit vanvan"naiiyak na wika ko kay evan.

Eres Mi AmigaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon