Isinulat ni: Daxi Park
Note: di po ako ang sumulat nto
"So? Naibigay mo na ba yung gift sa boyfriend mo?"
"Yup! Natuwa nga siya eh."
"Kailan mo ba kasi sakin ipapakilala ang boyfriend mo?"
"Bukas. May gagawin kasi siya mamaya. Eh ikaw? Kumusta kayo ng boyfriend mo?"
"Niregaluhan niya ako ng kwintas."
"Talaga? Wow! Ang sweet."
"Ayoko sana tanggapin kasi mukhang mahal kaso ayun mapilit, atsaka mamaya ipapakilala ko siya sa'yo."
"Excited na ako! Nga pala pwedeng patingin nung kwintas?"
Punong-puno ng excitement ang nararamdaman ko dahil sa wakas nakahanap na ang bestfriend ko na sa tingin ko naman ay totoong mamahalin siya. Kumikislap ang aking mga mata habang nilalabas niya ang isang kahon na pamilyar na pamilyar sa akin. Kumabog ang aking puso nang makita ang kwintas na iyon.
'Nagkataon lang siguro.'
Pilit kong pangumbinsi sa sarili ko.
"Ang ganda 'no?" humahagikhik na sabi niya.
"Oo nga," pilit ang ngiting sabi ko.
"Babe," tumindig ang aking balahibo nang marinig ang boses na iyon. Agad na tumayo ang bestfriend ko at sinalubong ang lalaking paparating. Humarap sila sa akin.
"Bessy, si Aniel nga pala, boyfriend ko," ngiting-ngiting sabi ni Bes. Bakas ang pagkagulat sa mukha ng lalaki.
"Eyna?"
"Magkakilala kayo babe?" tanong ni Bes na nagtataka.
"Ah, kakilala ko siya."
Parang sinaksak ang puso ko. Fck! KA-KI-LA-LA? May gagawin pala ha? Siya pala ang naka-schedule ngayon at bukas naman ako? Ha?! Tangina!
Pilit kong pinipigilan ang umuusbong na galit sa dibdib ko. Lumunok ako at bumuga ng hangin, pinipigilan ang mga luhang unting-unti na lang ay tutulo na. Umupo na kami matapos non.
"Babe, isuot mo nga sa akin 'tong kwintas," utos ni Bes sa kanya. Parang aso namang sumunod si Aniel. Ikinuyom ko ang aking kamao. Sht! tutulo na ang luha ko. Agad akong tumayo.
"CR lang ako," basag ang boses at nanginginig na wika ko.
Nang makarating ako sa CR at makapasok sa isang cubicle ay doon ko na inilabas ang lahat. Galit na galit ako, nasusuklam, nadudurog, nasasaktan. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano niya isinuot ang kwintas na ako mismo ang bumili at niregalo ko sa kanya na binigay niya kay Bes. Wala akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak at saksi ang apat na sulok ng CR na iyon.
-w a k a s-
DONUT COFFEE