Miss Perfect's Dark Secret

203 2 1
                                        

  Well how do I start? Anong gagawin mo pag may nakita ka, isang bagay na hindi mo ine-expect, something na sobrang imposible. Lahat pala may sikreto, lahat pala ng mga anghel, may mga kademonyohang tinatago. Ang pagka-perpekto din pala, isang imahe lang pala ng katotohanan kung sino sila. Paano ba nagsimula ang lahat? Well, simple lang Pumatay ng tao si Miss Perfect, si Cara, Cara Clark.

 Bago pa lang ako sa scholl na nilipatan ko, transferee lang ako. Hinanap ko yung locker ko, Harry Vargas. First day pa lang dinig na dinig ko na yung mga nag chichismisan, mga lalake na nag lalaro ng basketball sa Gymnasium at mga teachers na sumasaway sa nga estudyante. Lahat na ata may kasama ako lang ata yung Loner dito- Letse -.-". 

"okay ka lang ba?"  

narinig ko  ang boses ng babae, ang ganda. Napa lingon ako, nakita ko ang isang babae. Maganda, light brown ang mata, chinita, ang puti ng balat nya, mapula-pula ang paingi nya, matangos ang ilong nya, kahawig nya si Kim Chui. mahaba ang buhok nya, shit, she is so pretty. kahit malabo naman siguro mata ko at nakasalamin ako malinaw naman na maganda sya.

"UY."  sabi ni ate

"ah sorry." sabi ko, pero ate ang ganda mo.

"okay ka lang ba?kanina ka pang nakatunganga." 

"sorry, di ko sinasadya."  

"Hmmm, hulaan ko bago ka palang dito noh?" may kinukuha si ate sa locker nya

"Ah, Opo. Paano mo nalaman?" ang ganda mo, ang friendly mo pa.

"kilala ko kasi halos lahat ng tao dito sa School. Well sige, una na ako ha, kita-kita na lang tayo." sinara nya yung locker nya, "Well, Una na ako. Good luck" Ngunitiaan nya na lang ako at tumalikod.

ano kaya pangalan nya... naalala ko agad yung locker nya. sinilip ko yung pangalan. Ninja moves, kunwari may ilalagay sa locker, sabay silip sa locker nya. Bagay sa kanya yung pangalan nya, ang ganda- Cara Clark.

  Tumungo ako sa flagceremony. Parehas lang pala sa dati kong school, then pagkatapos kantahin yung school Hymn. May napansin ako. Si Cara, Pumunta sa harap. 

"Everyone may Proceed to thier respective classrooms except fourth year, please remain." sabi nya sa hawak nyang mic.

 Umalis na ang lahat ng Tao, maliban sa mga ibang teachers, natira kami sa gymnasium.

"Hello everyone! It seems that youre enjoying your first day,...

Mga usual lang  na sinasabi during firstday of classes, pero ang sarap makinig pag ganyan kaganda yung nagsasalita, i think may saltik na ata ako.

 ....well anyway, I Cara Clark, would like to invite everyone to our Welcoming Party this coming Friday. 

wait may party?  napa kamot ako sa ulo ko.

natapos ang announcement ni Cara, nag procceed na lahat sa mga dapat nilang puntahan. pumunta ako sa classroom namin. mag he-head down na sana ako nang may tumapik sa akin.

"Wow cool classmate pala kita" si Cara yun ah.

"AH, oo nga no,"

"wag kang shy."

"matanong ko lang, bakit ikaw ang nag announce sa harap kanina?"

"Kasi Supreme Student Government President ako."

"ahh, sige.. " di ko alam sasabihin ko...

"CARA!" may tumawag sa kanya.

"una na muna ako, ano nga pala pangalan mo? "

Miss Perfect's Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon