Chapter 1

69 12 0
                                    

CHAPTER 1: Why?
#Iwish


Nag mamadali akong lumabas ng bahay saka patakbong tinahak ang Highway para pumara ng taxi.Sa sobrang bilis ng oras late nanaman ako sa trabaho.Araw-araw nalang yata ito nangyayari baka naman mawawalan ako ng trabaho pag nag kataon.
May humintong taxi sa harapan ko kaya agad na akong sumakay.
Nataranta ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Dnice,nasan kana?"
"Ivy,papunta na"kalmadokong saad.
"Ikaw ha! nakakarami kana mabuti nalang at di kapa pinapalayas!"
"teka lang"
Tumingin ako kay manong driver nag babasakaling bilis-bilisan niya ang pag mamaniho.
"Manong paki bilisan po nang kunti"
"Matraffic po ma'am"
napabuntong hininga nalang ako saka ulit binalik sa tainga ang cellphone.
"Ivy,sa minalas ka naman traffic na"
"Lagot,may bisita ata tayo ngayon!"
"Alam ko!"
napapasigaw na ako at gusto nang mag mura pero pinipigilan ko lang.
Ang daming drama ang araw ko ngayon kaya nakaka inis na!
Mabuti nalang at mahusay mag maniho itong si Manong kaya medyo bumilis narin ang takbo ng sasakyan.

Nag abot ako ng tamang bayad saka nag mamadaling pumasok sa opisina.
Di kona napansin si manong guard dahil sa pagmamadali.
Umakyat ako ng 3rdfloor tinahak ang daan ng mabilisan.Ang daming tumatakbo ngayon sa isipan ko pero ang tanging masasabi ko lang ay kinakabahan na ako.
Pag pasok ko sa loob lahat sila tahimik.Busy sa kanilang trabaho.

"Miss Lyn,why are you late?"
Napatuwid ako ng tayo sa sobrang gulat.
Nang dito ang Boss namin at may kasamang dalawang bisitang nakatayo sa gilid niya isang  lalaki at babae,alam ko kung sino-sino sila.
Wala akong makitang dahilan kung bakit nang dito ang mag pinsan  lalong-lalo na si  Zedric.

"Sorry sir naabutan ng traffic"
naka yuko ako habang nag sasalita.Alam kong nakatitig sakin ang dalawa kaya kunwaring di ko sila nakikita mahirap na baka masuntok ko pa sila ng wala sa oras.

"Go,gawin mo na ang trabaho mo nakakahiya sa mga bisita"
Hindi na ako sumagot saka pumunta sa pwesto satabi si Ivy.

"Bruha ka!"
nang gigigil kong bulong kay Ivy pero kinindatan lang ako.

Maya-maya lumabas na sila Boss at ang sinasabing mga bisita.Sana nag tagal pa ako ng ilang oras.

Lunch break nanamin kaya nang dito kami ni Ivy sa Canteen.
May mga ka officemate naman kaming nakikisabayan kaya medyo maingay ang pwesto namin.
Nag tatawanan kami ng may biglang nag salita.

"Can i join?" Na tahimik ang mga kasamahan ko.Nag tataka ata kung bakit nang ito sa Canteen ang isang magandang bisita.
"Miss Kyte,syempre naman!" Sagot ng ng isang ka trabaho ko,si Jane.
Ngumiti lang si kyte saka umupo sa harapan ko mismo.Uminom ako ng coke kahit wala naman talaga sa isip kong uminom.

"Dnice,kamusta?"
nabilaukan ako bigla.Malamig ang boses niya nang banggitin ang pangalan ko.Kinabahan ako ng kunti dahil matagal na nong nagkita at nakapag usap kami.

"Ayos lang naman,Ikaw?"
"Hindi"
Natahimik kami bigla.Lahat sila napatingin sakin maliban lang kay Ivy na mukhanag walang paki-alam sa nangyayari sa paligid kain lang ng kain.
"I'm just kidding! Yeah Im fine"
Napabuntong hininga uli ako.Nakaka stress naman ang nang yayari ngayong araw!

"Si kuya,na miss moba?"

Biglang bumilis ang heartbeats ko alam nyo kung bakit? malamang naalala niya papala ang nangyari dati.College kami nang mag kakilala.
Hindi ako nag salita sa halip na sumubo ng kanin.

"Matagal nayun kaya wag nanating pag usapan!"
Biglang sumingit si Ivy kaya  sinamaan siya nag tingin ni Kyte.
"Ivy,di kaparin nag bago"
"Alam ko,ikaw rin di kaparin nag bago!"

Tumayo si Ivy kaya tumayo narin ako.
"Mauna na kami,kain na muna kayo"
pag papaalam ko sa mga ka trabaho namin.Tumango naman sila biglang sagot.

Kung iisipin ito na ang pinaka hinihintay ko.
Bumalik na siya kasama sila.
Ito na ang pangarap ko noon ngunit 'di na ngayon.

©2019

@All rights reserved.

My Summer Day'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon