Chapter 3

10 2 0
                                    

Yaz Pov

Flash back continuation

Pagkatapos kong umalis doon sa lugar na iyon ay naisipan kong pumunta muna sa isang store para bumili ng pagkain nang makabili ay naglakad ako sa isang bakanteng upuan at kumain ...

Habang kumakain ako nagulat na lang ako ng may umupo sa harapan ko isang lalaking may bitbit na cup noodles ..

'Teka Parang nammumukhaan ko to ah'

"Hi!"

Saglit na tumigil ako sa pagkain ng magsalita sya 

"Do I know you ?" Balewalang kong sabi sakanya at pinagpatuloy na ang pagkain ko umakto naman itong parang nasasaktan habang nakahawak pa sa dibdib nya

"Ouch naman ..ako yung kaninang nanonood sainyo ng babae grabe ang cool mo dun "

Napatango na lang ako sa sinabi nya habang kumakain parin ako

"Wow!! iyan lang yung reaction mo pagkatapos kitang sabihan ng COOL!!" Sarkastikong sabi nya

"So? What do you want me to say?" Sabi ko ng natigilan ulit sa pagkain

"Syempre dapat mag thank you ka ..kasi alam mo bihira lang ako magsabi ng papuri sa isang tao you should be proud .." Sabi nya pa

Teka ano bang pinagsasabi ng lalaking  to eh hindi naman malaking big deal yun ehh tsk tinitigan ko sya ng isang nakamamatay na tingin nanlaki naman ang mga mata nya sa gulat at mukhang natakot pa

"Dapat na ba akong maging proud nyan sayo tsk ..nang dahil sa sinabihan mo lang ako ng COOL?!! At  excuse me maraming nang nagsasabi nyan saakin so... Bakit pa!!?"  Sabi ko habang nakataas ang isang kilay

"Wow! Sobrang lakas mo para sabihin yan noh?!" Sabi nya habang nakahalukipkip 

Nainis naman ako sa sinabi nya at napatayo pa

"Teka nga muna !.. Sino ka ba huh at nanggugulo ka kumakain ako dito ehh tsk ..! " at handa na sanang umalis ng habulin nya ako at hinawakan ang braso ko para patigilan ako sa pag alis

At sa pagkakataong yun ay parehas kaming natigilan dahil sa pag kakadikit ng mga balat namin, parehas kaming nakatingin sa isat-isa at sa hinding inaasahan ay may naramdaman akong kakaiba ..kakaiba na ngayon ko lang naramdaman at naranasan ang lakas ng tibok ng puso ko na parang may nagkakarerahan sa loob kaya medyo napaatras ako at sakto lang nang binitawan nya ang mga braso ko para makalayo ako sakanya ng konti pero hindi para makaalis

Tumikhim muna sya para magsalita

"A-ano ahmm hatid na kita para may kasabay ka naman "

"No thanks i can handle my self" sabi ko at tumalikod na para umalis

"Pero gabi na baka kung ano pang mangyari sayo dyan sa daan" sabi nya kasabay nun ay ang pagsunod nya saakin at nung naabutan nya ako ay humarang sya sa dinanadaanan ko kaya napatigil ako sa paglakad he even  spread his both arms para talaga hindi ako makadaan

' Anong bang ginagawa ng lalaking ito at humarang pa talaga tsk he's so annoying as hell damn!'

"Pwede ba umalis ka nga dyan tska sabi ko kaya ko sarili ko and I don't even know you so please!!.."

"No! Ihahatid kita tsaka hindi akong masamang tao noh.. Tingin mo sa gwapo kong ito mukhang may gagawin sayo ?"

Napasapo na lang ako ng mukha sa sinabi nya...tinitigan ko sya totoong gwapo sya pero hindi parin ako naniniwala na walang gagawin ito malay mo ginagamit nya lang ang kagwapuhan nya para mapasunod ang kahit na sino..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon