Grow Old With You (One Shot)

8K 278 81
                                    

"Good afternoon everyone.We're flying at 26, 000 feet, moving up to thirty thousand feet, and then we've got clear skies all the way to the Philippines, and right now we're bringing you some in-flight entertainment. One of our first-class passengers would like to sing you a song inspired by one of our coach passengers, and since we let our first-class passengers do pretty much whatever they want, here he is."

Narinig kong sabi ng stewardess. Medyo wala akong pakialam, kaya naman pinagpatuloy ko na lang ang pagtingin sa labas.

"Uhm. Hi everyone."Nung narinig ko ang boses, napatingin ako sa unahan, kaso di kita yung tao.

Napaka -familiar talaga nung boses na yun. Umiling na lang ako sa naiisip ko. Impossibleng siya yun.

"Letting you go 5 years ago is one of my biggest mistake in my life..." And with that alam kong siya na talaga yung nagsasalita.

_______________-FLASHBACK_____________

5 years ago.

Late na ko naka-uwi sa boarding house dahil sa exams namin. Pagkarating ko, bukas agad ng laptop. Lagot ako nito kay DJ, baka kanina pa yun nag-aantay. Di ko ata nasabi sa kanya na late akong uuwi ngayon.

8:00 PM na. 1AM na sa kanila.

Nagmadali akong nag log in sa skype.

Pagka log in ko, agad naman siyang nag-message.

"Kathryn bakit ngayon ka lang?"

tinatype ko pa lang reply ko, nag-call na siya.

Ayos, talo pa sila Mama at Papa kung mag-alala siya. Kasalanan ko din naman kung bakit nag-aalala siya ngayon. Ano ba bakit ko kasi nakalimutan sabihin sa kanya.

Agad kong sinagot yung video call.

"Sorry. Di ko pala nasabi sayo kahapon na may exam ako hanggang 7."

"Eh bakit ngayon ka lang. 7 pa natapos exam mo. Kath, 15 minutes away yung boarding house mo sa school niyo di ba?"

"Nagdinner na din ako kasama mga kabahay ko sa labas. Ui DJ. Sorry na."

Nagtalo pa kami dahil sa pag-uwi ko ng late ng medyo matagal, nung napansin ko na malapit na mag 10.

"DJ tama na muna, bukas na lang tayo mag-usap, inaantok ka na."

"Pagod ka na ba Kath?" Tanong niya sa akin. Feeling ko napaka haggard ko na. Ikaw ba naman mag-exam ng 2 major na subject sa isang araw, nakaka sabaw ng utak tapos wala ka pang tulog dahil sa pag-aaral. Syempre pagod na ko. 

"Medyo." Sagot ko naman

"Ah.. ganun ba. Tigil na natin to." Sabi niya.

"O sige. Good night."

"Bye" At agad niyang tinigil yung video call at nag log out na siya.

Adfklkhgf. Narealize ko, double meaning pala yung mga pinagsasabi niya at ang sagot ko sa kanya. Ano ba naman yan. Baka na misunderstood niya ako. Ano ba naman Kath.

Sa pag-iisip ko ng message sa kanya sa facebook di ko namalayan nakatulog na ko.

Kath,

Grow Old With You (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon