Chapter One: Wingless
--
Ang buhay ay parang isang papel, minsan may kulay minsan ay wala. Umiikot lang ito na parang isang gulong, na parang isang malaking ferris wheel. May mga pagkakataon na mapupunta ka sa itaas, na parang isang lumilipad na ibon. Masarap sa pakiramdam dahil sa pagkakataon na iyon mararanasan mong maging malaya na walang hadlang. Pero, lahat ng ito may katapusan dahil hindi ka mananatiling nasa itaas lagi. Tulad nga ng isang ibon na napapagod din ang pakpak at oras na rin para sa kanyang pagbaba.
Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari sa akin. Simpleng buhay lang ang hinahangad ko pero higit pa roon ang nangyari. Parang isang telenobela na mapapanuod lamang sa telebesyon. May bida at syempre hindi mawawala ang mga kontrabida. Tulad ng mga kwento sa libro at ako ay isa lamang sa mga karakter na umiikot sa kwento, lahat ng mga kilos ko at ginagawa ko ay sunod lamang sa utos o sa kung ano ang nakasulat. Tulad ng isang manika na may mga tali sa bawat parte ng katawan.
Malamig na simoy ang siyang gumising sa akin. Hindi ko alam kung nasaan ako. Tanging itong puting apat na sulok lamang ang nakikita ko. Nakakasilaw ngunit napakagaan sa sarili. Para akong isang lobo na nakalutang sa ere. Ito na ba ang buhay na hinahanap ko? Ang buhay na malayo sa nakagawian. Maingay. Magulo. Sakit. Pang-aabuso.
Dahan-dahan akong bumangon na parang walang pag aalinlangan, na walang iniindang sakit. Sandali akong natigil dahil sa isang pamilyar na tao na aking nakita. Hindi ako maaaring magkamali "papa?" Tinawag ko siya at hinabol ngunit tila wala siyang naririnig. Nakailang ulit pa ako ngunit wala pa rin siyang imik.
Teka, ibig bang sabihin nito ay... Kaya pala. Mabuti na rin siguro iyon. Makakapagpahinga na ako ng maayos. Wala na akong mga pasa na matatanggap galing sa mga kamay na mapang abuso. Wala na sa wakas ang masasakit na salita.
Nagpatuloy ako hanggang sa natigil dahil sa pagod na ako sa paghabol. Unti-unti na rin akong nawawalan ng pag asa dahil nawawala na siya sa paningin ko. Pero kahit ganoon ay ayaw ko pa rin dahil ayaw kong maulit muli iyon.
"Papa!!" Sumigaw ako at pilit pa rin siyang hinabol pero wala na. Wala na siya. Iniwan na ulit niya ako. Naramdaman ko nalang na may mga butil na ng luha ang nangingilid sa mata ko. Pinilit kong tumayo kahit na nauubos na ang lakas ko. Napansin kong tila nag iiba na rin ang paligid. Ang liwanang na nababalot kanina ay nahahaluan na ng kulay abo.
Mga pusyaw mula sa bibig ng mga tao sa dako ang muling gumugulo sa akin. Palapit ng palapit, mukhang mauulit muli. Ang mga tingin nila. Ang mga bulungan sa direksyon ko na... di ko alam kung awa ba ang kanilang ipinapakita. Hiya. Iyan lang ang tanging nararamdaman ko sa ngayon. Walang nais na tumulong sa akin.
Dinuro-duro ako, sinasabunutan, hinahampas ng aking ina. Pagod na ako. Sawang sawa na. Sana. Sana. Unti unting pumipikit na ang aking mga mata. Maging ang katawan ko sa pagbagsak sa lupa. Sana ito na ang wakas. Dahil ayaw ko na.
"Ella. Ella. Gumising ka na d'yan. Malapit nang mag umpisa ang palabas ninyo" Ang boses na yun, walang iba kundi kay Margaretta. Ang amo ko dito sa bar na pinag tatrabuhan ko. Ang lugar kung saan nagkada letse letse ang buhay ko. Siguro nga. Ito ang tadhana ko ang matulad sa tunay kong ina.
Ilang buwan na rin ang nakakalipas pero napapanaginipan ko pa rin ang lahat.
"Oo. Ampon ka lang! Ampon ka lang!" ang mga binitiwan niyang salita. "Magsama kayo ng nanay mong pokpok! mukhang pera!" kaya pala ganun nalang kung ituring niya ako. Si papa? "Elsie, Elsie ang asawa mo na aksidente." Mula nang maganap iyon, nanghina ang mga tuhod ko. Parang nabawasan ako ng karamay sa bigat nang dalahin ko. Sa katunayan hindi ko rin siya tunay na papa. Pero kahit ganoon, kahit na hindi ko siya kadugo ipinadama pa rin nya sa akin ang bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
Angels to Fly
Tiểu Thuyết ChungThis book is for matured only (18+) Women’s are Angels. And when someone breaks our wings, We simply continue to fly...On a broomstick. We're flexible like that.