Prologue

4 0 0
                                    

Althea Gabrielle Tuazon's POV

"Maki! Akin na yan! That's mine. That's private. You shouldn't read someone's journal! Hey!" sigaw ko sa tatawa tawang Maki'ng ito. He's holding my private journal and he even tried to read it! Kaya nga sinabing private, hindi dapat pinapakealaman. Pang may-ari lang dapat.

Nang nagkaroon ako ng chance na makuha ang aking journal ay agad ko iyong hinablot. Pinilit namang kunin ni Maki pero siniko ko siya at sinapok sa may bandang dibdib. Napa aray naman siya. Etong baklitang ito talaga, pakealamera. Tsk!

"Cous naman eh! Pabasa lang naman! Akala ko ba friends tayo?" sabi niya at nagbeautiful eyes pa ang hayop. Ang gwapo gwapo talaga nitong baklang toh. Nanghihinayang talaga ako sa lahi namin eh!

"Hindi lang pinabasa yung journal di na agad magkaibigan? Are you serious? Atsaka nasaang grade ka na ba, huh? Tsk! Di ka na grade one hoy! Magtino!" sabi ko at tinago na ang journal saaking magandang bag.

Kasalukuyan kaming nandito sa isang park sa may subdivision namin. Oo, subdivision NAMIN. Meaning, amin tong subdivision. Lahat ng bahay dito ay amin. Kung di man amin ay nagmula naman saamin. Our family is small yet elegant. I only have 1 brother but he's in London, doing something I don't know and I also have one cousin at sa kasamaang palad ay si Maki yun.

"Pabasa na kasi, cous! For sure naman ay puro tungkol kay Ares yan. Ano ba kasing kaespesyal espesyal sa taong yun? Ni hindi mo nga alam itsura nun o pangalan!" wika niya kaya agad ko siyang binatukan.

"He's a special person noh! Kasi yung mga lalaking katulad niya talaga dapat hinahangaan. Hindi gaya mo, na mas babae pa kaysa sakin!" sabi ko at inirapan siya. Lakas tama kasi nang isang toh!

"Ang sabihin mo kasi, hindi ka marunong mag-ayos sa sarili mo. Look at you. You're so baduy! Long palda and floral blouse? Gosh! Ang pangit!" he said at napailing-iling. Haist!

"Eh ano naman kung manang ako? Atleast hindi ako maarte gaya ng iba na mukha ng clown sa kapal ng make up" pagdidipensa ko naman. Inirapan naman niya ako. Baklang bakla talaga.

"Alam mo? Dapat pinapahalagahan mo yang itsura mo. You're naturally beautiful pero hindi ka mukhang millennial. Talong talo ka pa nila tita at momshie sa pananamit at pormahan" naiiling niyang sabi at binigyan ako ng disappointed face.

"Am I really look bad with this dress?" walang alin langan naman niya akong tinanguan.

"You should change your style, cous. Isipin mo nalang na paano nalang ang itsura mo pagnagkita na kayo ni Ares? Gusto mo bang magmukha kang basahan pagnagkita kayo?" pananakot pa niya. Pero napaisip rin ako dun. Paano na nga lang pagnagkita kami, baka agad siyang maturn off.

"Syempre, hindi---" agad naman niya akong pinutol sa pagsasalita.

"Then let's go! We have to change your style!" excited niyang sabi at hindi na niya ako binigyan pa ng pagkakataong makapagsalita dahil agad niya akong hinila papunta sa sasakyan niya.

He's 18 years old already kaya may lisensya na siya. I'm just 17 turning 18 next year but Maki already training me how to drive.

Ilang minuto lang ang hinintay namin at nakarating na agad kami sa isang salon na pagmamay ari nila Maki. Binati kami ng mga staff nila dun pero hindi na yun pinansin ni Maki at derederetso lang sa paghila sakin at pinaupo ako sa isang upuan doon.

Pumunta siyang counter at may sinabi doon. Pagkatapos ay may dalawang baklang lumapit saakin at isang magandang babae. Sinukatan ako nung magandang babae bago niya ako muling ibigay dun sa dalawang bakla. Pinaupo naman ako ng mga bakla sa isang pwesto doon. At sinimulan nilang ayusin ang aking hairlalu. Yung isang bakla naman ay minamanicure ang kuko ko sa kamay at paa. Nang matapos na magmanicure yung isang bakla ay tapos na rin sa buhok ko yung isang bakla. Pero may sinabi na naman si Maki kaya bumalik sakin yung bakla at tinanong ako kung anong kulay ang gusto ko sa buhok. Agad ko namang nilingon si Maki. At kinunutan siya ng noo. Bakit kailangan pang may highlight ang buhok ko, aber?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Missing Words Where stories live. Discover now