Chapter 1
Maureen's POV
Naglalakad ako ng makita ko si Xander.
"Xander!" Sabay kaway ko sa kaniya
"Oh maureen!" Aniya
"Vacant mo?" Ani ko
"Oo eh,ikaw?" Aniya
"Oo vacant ko rin, tara kain tayo sa Canteen." Ani ko
Habang papunta kami sa Canteen may nakita ako na nagbubulungan.
"Ang sweet naman nila noh?" Girl 1
"Oo nga balita ko sila na daw" Girl 2
Nilagpasan ko na lang sila,halos araw-araw ko na rin naman na naririnig yan,minsan nga kinikilig ako pero si Xander walang pakielam sa mga naririnig. Ang totoo nga niyan gusto ko si Xander kaso nga lang di ko alam kung gusto niya rin ba ako.
"Maureen,order mo?" Aniya
"Isang meal B na lang." Ani ko
"Okay hanap ka na lang ng upuan doon." Sabi niya
Hindi na ako sumagot at humanap na lang ako ng uupuan namin. Nakahanap ako sa may medyo dulo ng Canteen. Sinabi ko na sa kaniya yung nararamdaman ko dati kaso nga lang parang nailang siya sa akin simula noon. Pati parents namin nagtataka na. Kasi dati sobrang close namin,pero simula nung sinabi ko sa kaniya yun nag-iba lahat. Sa dating masayahin na Xander naging cold na,hindi ko alam kung dahil sa akin yun.
Natanaw ko siya na may kasamang waiter papunta dito,kaya umayos na ako ng upo."Thanks." Sabi niya sa waiter
"Kain na." Sabi niya
"Okay" ani ko
Habang tahimik kaming kumakain nagsalita siya.
"Maureen sorry netong mga nakaraang araw. Medyo nailang kasi ako sa sinabi mo" Aniya
"Ah hindi okay lang" Kahit hindi.
Hindi na siya sumagot pagkatapos non. Kailangan kong pigilan tong nararamdaman ko,kasi habang tumatagal lalong sumasakit. Sabi ng mga kaibigan ko kailangan ko daw kayanin dahil wala naman na daw akong magagawa kung hindi pigilan tong nararamdaman ko.
"Tapos ka na ba?" Aniya
"Oo" Sabi ko
Sabay kaming tumayo at naglakad palabas ng canteen.
"Sige mauna na ako Maureen"
"Okay salamat dahil sinamahan mo ako sa lunch"
"Wala yon" Sabay ngiti niya ng pilit
Nginitian ko na lang rin siya pabalik. Sabay naming tinahak ang magkaibang direksiyon. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko siya na unti-unti ng lumalayo sa akin. Masakit,oo pero kailangan kong tanggapin. Umakyat na alang ako sa may building namin. Pagdating ko nakita ko si Leira kasama sina Phia at Liza. Kumaway si Leira sa akin at nakita na rin ako nina Phia at Liza.
"Jess,di ka namin nakita kanina nung vacant" Sabi ni Leira
"Oo nga,hinanap ka namin kanina eh" Sabi naman ni Liza
"Ah kay Xander ako sumabay mag-lunch eh,sorry di ko nasabi sa inyo"
Nagkatinginan silang tatlo. Ayan na naman sila parang ako na naman yung kawawa. Kaya ayoko sa kanila sinasabi yung tungkol sa amin ni Xander kasi parang awang-awa sila sa akin.
"Sabi ko namansayo diba,huwag ka ng lalapit sa kaniya" Sabi ni Phia,ang tumatayong ate sa aming apat,ang pinaka seryoso sa lahat ng bagay.
"Nakita ko kasi siya kanina,tapos tinanong ko kung vacant niya ba tapos um-oo siya kaya niyaya ko na siya mag lunch" Ani ko
"Ano naman yung napag-usapan niyo?" Ani Phia
"Nag-sorry siya sa akin kasi naging ilang daw siya netong mga nakaraang araw" Sabi ko
Bumuntong hininga si Phia,alam kong naiinis na siya sa akin,pero alam kong para sa akin rin naman yun. Kapag siya yung nag-advice sa grupo sa kaniya yung sinusunod kasi siya yung pinaka matanda.
"Sa susunod huwag mo nang lapitan yun" Ani Leira
Tumango na lang ako kahit minsan yung mga payo nila hindi ko na nasusunod. Mahirap kasing pigilan yung nararamdaman mo.
"Good morning class" Biglang pumasok si Ma'am Vilabicos
"Good morning Ma'am Vilabicos" Sabay-sabay naming sinabi,habang nagtuturo si Ma'am may nakita akong lalaki sa labas ng room namin. Maputi,matangkad at nakasalamin. Hindi ko alam,pero biglang nag-iba yung pakiramdam ko parang may mali. Sinundan ko ng tingin yung lalaki,at bigla akong nakaramdam ng lungkot pagkatapos non,lungkot na hindi ko maipaliwanag,lungkot na ngayon ko lang naramdaman.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
The Imperfect Love
Teen FictionA girl named Jessica Maureen Ferrer ay isang babaeng mahal na mahal si Alexander Rafael Mendoza.May lihim naman na pagtingin si Christian Ace Filogo kay Jessica Maureen Ferrer ngunit kaibigan lang ang turing ni Jessica kay Christian.Ano kaya ang man...