Chapter 1

485 66 74
                                    

Chapter 1
070618

***

HUMALAKHAK ako habang nakatingin sa magandang binibini na nasa harapan ko ngayon, sinusuri ko pa kung nanloloko sya pero seryoso talaga sya, eh. Well maganda talaga sya, pero 'yung totoo? Si Aphrodite talaga? Si Venus talaga? Ano sya? Nakahithit?

"Nasisiraan ka na ata, miss," I chuckled, kita ko naman na napakunot na naman ang noo nya at ewan ko ba pero mas lalo ata syang gumanda. Teka nga, bakit ba kanina ko pa pinupuri ang babaeng 'to? Tsaka bakit hindi ako natatakot sa kanya kahit na hindi ko naman sya kilala at parang puro kalokohan ang sinasabi nya? Hindi ko din alam. "Gutom ka ba?" Natatawang tanong ko pa.

"Kung ayaw mong maniwala, edi wag." Masungit na sabi nya at ginala ang tingin sa apartment ko. Napalunok naman ako dahil mukha syang mayaman at baka pagtawanan nya ang apartment ko na maliit at medyo magulo pa.

Wala naman akong makitang panghuhusga sa mata nya- pero nakakita ako ng paghanga. What the?

"Kakaiba pala talaga ang bagay dito sa mundo nyo." Namamanghang sabi nya at tuluyan na ngang naglakad at pumasok sa apartment ko, gusto ko man syang pigilan, hindi ko magawa. May something sa akin na gustong mag-stay pa sya dito kaya naman hinayaan ko syang maglibot sa apartment ko.

"Ano bang sinasabi mo dyan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya, pinanindigan nya ata ang pagiging diyosa ah. "Yung totoo? Top 1 ka siguro sa Filipino or English nung grade 10 ka." Natatawang sambig ko kaya naman napatingin sya sa akin at napalunok naman ako dahil nakakaano yung titig nya.

"Ano yung Filipino at English? At anong top 1?" Nagtatakang tanong nya sa akin kaya naman napakunot ang noo ko. Yung totoo? Mukha syang mayaman at may pinag-aralan pero hindi nya alam 'yun? Eh kahit bata alam kung ano ang Filipino at English eh. Pati top 1 hindi din alam? Saang bundok ba nanggaling 'to?

"Seryoso ka ba?" Naka-poker face na tanong ko at nilagay ang kamay ko sa bewang ko, "Nanti-trip ka na naman, eh." Sabi ko pa sa kanya at umiling naman sya sa akin.

"Hindi pamilyar sa akin ang sinabi mo." Mahinahong sambit nya sa akin, "Hindi din pamilyar sa akin ang mundong ito. . .maaari mo ba akong matulungan?" Tanong nya sa akin kaya napakunot ang noo ko.

Saan?

"Matulungan saan?"

"Na hanapin ang hinahanap ko para makabalik na ako sa mundo ko."

* * *

NAPANGIWI ako habang nakatingin sa babaeng ito na pinakilala ang sarili nya bilang Aphrodite. Hanggang ngayon ay hindi pa din nya sinasabi ang totoo nyang pangalan kaya naman tatawagin ko syang ilusyonada o kaya naman ay feeling Aphrodite girl.

Kasalukuyan ko syang pinapakain ngayon ng ramen at mukhang sarap na sarap naman sya, nagulat nga ako at tinanong nya sa akin kung paano kainin iyon. Nagtataka talaga ako sa kanya pero tinulungan ko naman sya at madali naman syang natuto. Kaya naman eto ngayon, kain sya ng kain. Nakakatatlong mangkok na sya. Yung totoo? May diyosa bang ganito?

"Akala ko ba diyosa ka? Eh bakit mukhang hindi ka pinapakain sa inyo?" Sinasakyan ko ang trip nya- kung trip nyang maging si Aphrodite, edi gora lang.

Lumunok muna sya bago tumingin sa akin at seryosong nagsalita, "Pinarusahan ako sa mundo namin. . ." Mahinang sabi nya at kita ko ang paghigpit ng hawak nya sa mangkok, "At dahil sa nagawa ko, pinadala nila ako sa mundong 'to. Mundo ng mga tao. Wala akong kapangyarihan, isa na akong tao habang nandito ako sa daigdig nyo kaya nakakaramdam na ako ng gutom, o uhaw. At hangga't hindi ko nahahanap ang hinahanap kong bagay para makabalik ako sa mundo namin. . .mananatili akong tao." She sighed.

Medyo napataas ang kilay ko. Seryoso ba sya? Ang galing nyang writer, ah.

"Miss, alam mo ang galing mong story maker." Sarcastic na saad ko sa kanya. Oo, maganda talaga sya pero parang hindi naman kapani - paniwala. Isa syang diyosa? Nasa harap ko ang isang diyosa at nanghihingi sa akin ng tulong? Eh nasa realidad ako na walang ganon, eh. Fantasy lang 'yun, eh. Hindi ako naniniwala na may ganun. Isang Diyos lang ang pinaniniwalaan ko. Walang diyos at diyosa na galing sa mitolohiya.

"Anong story maker?" Tanong nya sa akin, "Hindi ako gumagawa ng kwento. Seryoso ang sinasabi 'ko sa'yo." Sabi pa nya sa akin kaya napabuntong hininga ako.

"And you really think, I will believe you that easily?" Tanong ko sa kanya, "Paano ako maniniwala kung may isang babae na kumatok sa pinto ng apartment ko at kine-claim na sya si Aphrodite. Nanghihingi pa ng tulong sa akin. Tingin mo maniniwala ako kaagad?"

She sighed, ngayon ay nilalaro na nya ang daliri nya na parang bata, which is cute. Ugh. "Hindi na kita pipilitin. But please. . .help me."

Gusto ko syang tulungan. Pero syempre, may sarili din akong buhay. Isa pa, kasya na sa akin ang kinikita ko buwan - buwan. Hindi ko na kaya kung pati sya ay papatirahin ko dito at bubuhayin ko din.

"Wala akong pera para mapatira ka dito." Nabanggit nya din kanina sa akin na wala syang tirahan dahil nga bigla nalang syang pinadala dito, yun ang sabi nya, at wala nga daw syang kakilala dito. Kaya naman for sure, ako din ang magpapatira sa kanya. Grabe, wala na akong pera.

"Pinapangako ko. . .pag nabalik ang kapangyarihan ko, bibigyan kita ng magandang buhay. Pati na din ang pamilya mo." Napataas ang kilay ko sa offer nya. Hmm.

"Siguraduhin mo lang na may kapangyarihan ka talaga at tutuparin mo ang pangako mo." Sabi ko sa kanya. Naisip ko lang din kasi na pag totoo nga ang sinasabi nya, posibleng maiahon na kami sa hirap. At hindi na namin kailangan maghirap. Hindi na kailangan magtrabaho ng mga magulang ko. Pati na din ako. Aayos at giginhawa na ang buhay namin.

"Tutupad ako." Nakangiting sabi nya kaya naman wala na akong nagawa nung napangiti na din ako. Ang ganda kasi, eh.

"Ano ba ang hinahanap mo para maibalik ang kapangyarihan mo?" Tanong ko sa kanya kaya naman medyo namula ang mukha nya at napayuko.

"H-hindi ko din alam." Tumawa pa sya ng mahina na parang bata kaya naman medyo napaawang ang bibig ko. Hindi nya alam? What the?

Pero bakit nacute-an ako sa kanya nung yumuko sya na parang bata? Bakit?!

* * *

(Edited: 072218)

Thank you sa cover Joylicious143

Baephrodite + seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon