Kagubatan. Mga punong matatayog, mga bulaklak na makukulay, at ang papalubog na araw.Lumingon ako sa lugar kung saan nanggagaling ang malakas na huni ng ibon. Pinipilit kong tumayo at magpatuloy sa paglalakad.
Hindi ko alam kung saan ako papunta.
Hindi ko alam kung anong lugar ito.
Hindi ko alam kung bakit ako naririto.
Hindi ko alam kung bakit muli nanaman akong naririto.
"Axelia."