1- Ang Misyon

0 0 0
                                    

" Ipasasara na daw ang public library sa may bayan "

" aba'y oo nga, nabalitaan ko din "

" sayang, madami pa namang magagandang libro doon na baka hindi na natin muli pang mabasa "

ikinabit ko ang earphone sa aking magkabilang tainga at hindi nalang pinansin ang paguusap ng dalawang ale na kasakay ko rito sa bus.

Pauwi na ko galing school at mag aala-sais narin ng gabi.

Ako nga pala si Almira Kashmere Gonzales, 24 na taong gulang na ako at pumapasok ako sa isang medical school.

" San Gabriel! "

tinanggal ko ang aking earphone at inilagay ito sa bag ko kasama ng aking cellphone ng marinig ko ang sinabi ng konduktor. tumayo narin ako at nakisabay sa mga taong bumababa na ng bus.

pagbaba ko ay agad akong tumakbo papunta sa isang waiting shed. hindi ko namalayan na malakas pala ang ulan. pasaway wala pa naman akong dalang payong.

" Almira? " napalingon ako sa matandang tumawag sa akin na mukhang wala ring dalang payong.

" bakit po tatay raul? " sya si Tatay Raul isa sa kapitbahay namin sa manggahan.

" hindi ba at hilig mo magbasa sa library doon sa bayan? isasara na iyon bukas kaya dapat ka ng pumunta doon at magpaalam man lang "

" opo tay " nginitian ko nalang si tatay raul at tumitig sa kawalan. malaki din ang impact sa akin ng mabalitaan kong isasara na ang public library sa bayan.

Mahirap lang kasi ang aking pamilya noon at hindi kayang pagaralin ni ama kami ni kuya kaya ang library na iyon ang naging sandalan ko noong mga panahong gusto ko matutong bumasa at sumulat, at ngayon tuluyan na nila iyong isasara.


" nay? " sigaw ko pagdating sa bahay, agad namang lumabas si nanay mula sa kusina at kumuha ng twalya upang ibigay sa akin.

" pasaway ka talaga! diba sinabi kong dalahin mo ang payong? "

" nakalimutan ko lang " at hinubad ko ang sapatos ko sa pintuan bago pumasok ng bahay at pumuntang kusina.

" ang bango naman nyan inay " puri ko sa nilulutong sopas ni inay. tamang tama dahil malamig ngayon dulot ng ulan.

" asan pala si kuya at itay? " tanong ko.

" sinundo ng kuya mo ang tatay mo dahil wala syang dalang payong baka magkasakit pa iyon, alam mo naman "

natawa naman ako ng kumindat sakin si nanay. sakitin kasi si tatay kaya inaalagaan syang mabuti ni nanay.

Hindi masyadong malaki at maganda ang bahay namin. sakto lang may tatlong kwarto, sala, kusina at cr. mas maganda kumpara sa bahay na mayroon kami dati.

" nay mauna na po akong kumain "

" bakit anak? gutom na gutom kana ba? "

" hindi naman po, ngunit nais ko po sanang pumuntang library sa bayan dahil isasara na ito bukas at ngayon ang huling araw "

" nabalitaan ko nga din yan anak, hala sya, kumain kana at ng makaalis kana habang hindi pa masyadong madilim "

Pagtapos kong kumain ay agad akong naligo at nagbihis saka nagpaalam kay nanay na lalabas na muna ako saglit.

Hindi na ganoon kalakas ang ulan at wala rin masyadong tao sa labas kaya madali ako nakasakay.

" sa bayan ho manong "

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My way back homeWhere stories live. Discover now