NEAR END

120 7 0
                                    

Nagpahinga muna sila Blu ng konti sa second floor ng isang bahay at nagplaplano sa susunod na gagawin

"grabe akala ko madali lang pumatay ng zombie...yun pala hindi"sabi ni mics

"oo nga eh...anung gagawin natin?mukang sinisira na nila ang gate ng bahay"sabi ni Emman matapos tignan ang labas mula sa bintana

"hmm tatawid po tayo sa kabilang bahay...sa bubong po tayo dadaan...aray maeloves naman eh masakit!"sabi ni Blu habang ginagamot siya ng kasintahan niya

"sorry!hahalikan ko nalang para mawala ang sakit"sabi ni Mae na ikinamula naman ni Blu at nagtawanan ng konti ang mga survivors pagkatapos ay sumingit si Migs sa usapan

"pero paano comrade?"tanung ni Migs sa kaibigan at tila napaisip naman siya kung paanu

"may nakita akong hagdan...yun gamitin natin"sabi ni Kyle

"Nasan?"paghahanap ni Jd sa paligid

"Nasa labas nitong kwarto di niyo ba napansin?"nagkatinginan ang magkakaibigan at biglang naalala ang nadaanang hagdan na ginagamit para maabot ang bumbilya...kinuha nila Jd at Emman iyon dahil mabigat ito para sa iba at inilagay sa kabilang bintana na nakatapat sa bubong ng kapitbahay pagkatapos ay isa-isa silang umakyat dun at natagalan ng konti dahil takot ang iba sa matataas na lugar gaya ni steward

"hay sa wakas nakaakyat din"buntong hiningang sabi ni steward

"nalimutan ko pala...takot sa matataas na lugar pffft haha"pigil tawang sabi ni Angelu na ikinanoot ng noo naman ni steward

sfx:EEEEENGGGG!!WOOOOSH!

Muntikan ng liparin ang mga survivors dahil sa lakas ng hangin na dumaan sa kanila

"ano iyon?jet?"pagtingala ni Elle sa langit

"jet nga!kung ganun ligtas na tayo sa wakas!"masayang sabi ni Irene matapos makumpirmang jet nga ang dumaan

"humingi tayo ng tulong dali!"iwinagayway naman ni Blu ang kamay niya bilang senyales ng paghingi ng tulong ganun din ang ginawa ng iba maliban kay Kyle

"guys mga jet lang iyan hindi tayo maisasakya niyan!"dahil sa sobrang tuwa ay nakalimutan nila ang bagay na iyon kaya ibinaba na nila ang mga kamay nila hanggang sa

sfx:TUGUDUGDUGDUGDUG!

Limang helicopter ang papunta sakanila kaya bumalik muli ang sigla nila at iwinagayway muli ang kanilang mga kamay hanggang sa tumigil sa kanila ang mga heli at nagbaba ng hagdan ang isa at pinauna ang mga babae pero siyempre nakapalda ang iba sakanila kaya naman nagalinlangan pa silang umakyat kaya naman bilang babae ay naisipan ni Mae na sundutin ang mga mata ng mga lalaki upang wala silang makita

"aray ko!ang sakit bakit mo iyon ginawa Maeloves?"nakapikit na sabi ni Blu habang kinakapa ang paligid

"baka nakakalimutan niyo...nakapalda ang ibang babae dito kaya ko iyan ginawa kaya wag kayong malikot masyado kundi malalaglag kayo hmp"pagtataray ni Mae at nauna ng umakyat naawa naman ang ibang babae pero sumunod narin sila bago pa makakita muli ang mga lalaki

"salamat ate Mae pero sana hindi niyo na po iyon ginawa"awkward na sabi ni Elle

"naku okay lang iyon dapat lang sakanila iyon dahil wala sa lugar ang pagiging'ladies first' nila"nakangiting sabi ni Mae(Note:nakasakay na silang mga babae)nakakakita na muli ang mga lalaki kaya naman sumunod narin sila

"haay grabe naman girlfriend ni comrade"sambit ni Migs sa isip niya habang umaakyat at ng makaakyat na silang lahat ay tinignan sila ng masama ni Mae at itinaas naman ni Blu ang kaniyang kamay na sinasabing sumusuko na siya kahit di siya sigurado sa kasalanan nila at umaringkada na ang mga helicopter habang papalayo sila ay lumiwanag ang gilid ng salamin dahil sa pagsabog na sinimulan ng mga jet fighter...ibinaba na silang lahat sa lugar sa pinas kung saan wala pang zombie na nakakarating at napapaligiran ito ng mga sundalo ng amerika at pinas kung sakaling may makapasok...pinapasok sila sa isang itinayong tent na clinic upang suriin kung ayos lang ba ang kalagayan nila o kung nakagat ba sila pagkatapos na malamang clear ay pinakain na silang lahat nagkatinginan ang mga nurse at napaisip kung di nga ba sila nakagat base sa paraan nila ng pagkain(note:dinaig pa nila yung mga zombie kung makakain xD)pumasok sa kwarto ang heneral ng amerika at pinalabas muna ang mga nurse

"mabuti naman at ligtas ka Azec"sabi ng heneral matapos yakapin si steward

"uhm ate gracia?hindi po ako iyan"nabigla ang heneral at tingnang mabuti ang nayakap na kasamahaan nila

"ay naku sorry halos magkahawig lang kasi kayo ni Blu eh"kamot ulong sabi ni Gracia,nginitian nalang siya ni steward pagkatapos ay niyakap na ang totoong Azec Blu

CHAPTER END

A/N:hurrah!hurrah!ito na ba ang ending?palagay ko di pa xD

sisihin niyo ang brownout kya ako nagupdate ng dalwang chapter xD(pasensiya na po nagkabaligtad ang dalawang chapter kaya inedit ko lng)

ZOMBIE JOURNAL VER.2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon