Kalikasan

35 0 0
                                    

Panahon na gusto nating balikan
Panahon kung saan ang mga bagay ay kay gaganda
Panahon na ating sinayang pra isalba siya
Mga panahong unti-unti siyang nagdurusa na tayo ay mga bulag para iyon ay makita.
Ba't di natin namalayan na si inang kalikasan ay kailangan na nating tulungan?
Kailangan pa ba tayong pagsabihan?
Para tayo ay maliwanagan.
Di pa ba natin ramdam ang hagupit niya dahil sa hirap?
O binabaliwala lang natin ito dahil may nalalanghap pa tayong sarap?
Alam ko marami sa inyo ang husto ibalik ang oras o panahon
Para itama ang mali nilang ginawa
Pero wala tayong kakayahang ibalik ang oras o panahon
Dahil ba lugmok na tayo at di na makabangon?
Kaya ganito nalang ang ating realisasyon "Na sana ginawa ko to, sana ginawa ko yon"
Kay rami ng nilatag na solusyon
Pero heto tayo ngayon di pa rin makabangon
Sa hirap na tayo mismo ang may gawa
Wala na ba talaga tayong awa para sa ating kalikasan na naghihikahos ataaring mawala
Di ko lubusang maisip na ang mundo na aking kinagisnan
Ang ganda ng kalikasan
Ay puno ng basura kahit saan
Sana magawan pa natin ng paraan para ang paghihirap ni inang kalikasan ay maibsan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon